ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | July 29, 2024
Hats-off kami sa solid fans ni Kim Chiu (Kimmy) dahil naipanalo nila ang kanilang idolo bilang Outstanding Asian Star sa Seoul International Drama Awards 2024.
Si Kimmy ang napiling nominee ng Pilipinas para sa teleseryeng Linlang at ang winner para sa nasabing kategorya ay ibinase sa isinasagawang global poll sa Idol Champ app mula June 15 hanggang July 14. Tinalo ni Kim ang lima pang sikat na artista mula sa iba’t ibang Asian countries.
Ibinahagi ng aktres sa kanyang Instagram (IG) account ang invitation na natanggap mula sa SDA organizers na nagsasaad na siya ang nanalong Outstanding Asian Star.
Sa kanyang caption, sinabi ng aktres na hindi siya makapaniwala na siya ang nanalo at nagpasalamat sa kanyang mga supporters, gayundin sa ABS-CBN and Dreamscape Entertainment.
“I got the news today! (crying ang praying emoji) I am lost for words, beyond thankful, grateful, and extremely happy!!! I can’t believe this is happening. Thank you to #SeoulDramaAwards2024 thank you, ABS-CBN @dreamscapeph, and most especially to my lovely supporters for all the unconditional love, support, time, effort, and much more. I am very lucky to have you all behind and beside me. Thank you for making this possible! (trophy emoji),” pahayag ni Kimmy.
“My heart is full!!! (red heart emoji) MARAMING, MARAMING SALAMAT PO!
KOREA HERE I COME! (South Korea flag at airplane emoji) Sa SOUTH HA? Hihi @seouldramaawards
“PHILIPPINES REPRESENT! (Philippine flag emoji) #ForeverGrateful #Deceit #Linlang #JulianaMadeItToKorea,” sey pa niya.
Sa comment section ay dumagsa ang pagbati kay Kim ng kanyang mga fans, mga kaibigan at mga kasamahan sa industriya kabilang na sina Ogie Alcasid, Vhong Navarro, Bela Padilla, Iza Calzado, Yassi Pressman, Melai Cantiveros atbp..
Gaganapin ang Seoul International Drama Awards 2024 awarding ceremony sa September 25 in KBS Hall, Seoul, South Korea.
DAHIL nga animal lover si Heart Evangelista, kasama sa mga tinulungan niya ang mga hayop na nasalanta ng bagyong si ‘Carina’.
Ibinahagi ng aktres/fashion icon ang pagtungo niya at ng mga kasamahan sa Senate Spouses Foundation, Inc. (SSF1) sa The Philippine Animal Welfare Society (PAWS) para mag-donate ng pet foods and supplies.
Ayon kay Heart ay marami raw hayop ang nawalan din ng bahay dahil sa bagyo at dapat ay tinutulungan din ang mga ito.
“Typhoon Carina not only affected thousands of humans but pets as well. No one should be left behind and that means humans and pets alike in times of calamities,” sey ni Heart sa caption.
“The SSFI has been blessed with partners who are also looking after the welfare of animals, sending dog and cat food for the fur babies left homeless by the typhoon.
“What better way to reach out to as many abandoned pets as possible than through and with PAWS Philippines. They have always been part of the National Disaster Risk Reduction Management Council, rescuing animals left behind in times of calamities.
“Today, we did a quick pop in at PAWS to drop off some supplies for the resident dogs and the rescued ones. We toured around and were able to listen to the happy and sad stories of the pets in their care. SSFI is one with PAWS in calling against animal cruelty,” patuloy niya.
Nanawagan din ang aktres/fashion icon sa mga may mabubuting loob nating kababayan na willing magbigay ng tulong para sa mga hayop at sa mga pet owners na nawalan ng bahay.
“Please spread the word, PAWS is still in need of your generosity for the fur babies and pet owners left homeless by the storm,” panawagan ni Heart.
Prior to this ay nagsagawa rin ang SSFI ng relief operations sa Sto. Niño Elementary School in Marikina, na isa sa mga lugar na binaha dulot ng super-typhoon ‘Carina’.
Si Heart Evangelista ang kasalukuyang presidente ng SSFI, na automatic niyang naging posisyon nang mahirang na Senate President ang mister niyang si Chiz Escudero.