ni Janiz Navida @Showbiz Special | January 12, 2023

Hindi ikinatuwa ng ilang netizens ang balitang isinabay ni Coco Martin at ng kanyang production team ang taping ng bagong seryeng pagbibidahan ng Kapamilya actor na FPJ's Batang Quiapo sa katatapos lang na Pista ng Itim na Nazareno.
Bagama't hindi naman nagdulot ng anumang kaguluhan ang team ni Coco habang nagte-taping sa Quiapo Church, mukhang na-offend at 'nabastusan' ang ilang netizens na siguro ay deboto ng Itim na Nazareno.
Nag-post kasi ang DreamscapePH sa Twitter account nito ng mga pictures ng ginanap na taping ng action serye na ang caption ay: "Nakiisa sina Coco Martin at ang staff ng FPJ's Batang Quiapo sa mga Pilipino at mga deboto sa paggunita ng kapistahan ng Itim na Nazareno.
"Ngayong araw din isinagawa ang unang araw ng taping ng #FPJsBatangQuiapo!"
Makikitang nakasuot ng t-shirt ng Black Nazarene si Coco at ang staff ng kanyang serye.
Sa kabila nito, hindi nagustuhan ng ilan ang ginawa nina Coco dahil isang sagrado at pang-relihiyong gawain nga naman ang Traslacion.
Dinadayo ito ng libu-libong deboto na may kani-kanyang dahilan kung bakit nananampalataya sa Mahal na Poong Nazareno at karamihan sa kanila ay nagtitiis at nagsasakripisyo dahil sa mga milagrong nangyari na sa kanila at ang iba naman ay may mga kahilingang gustong matupad.
Kahit sabihin pang isa si Coco sa mga debotong ito, hindi makatwiran na nagpunta ito sa Traslacion para isabay ang trabaho sa kanyang debosyon.
Marami namang araw at pagkakataon para mag-taping ang kanyang team, bakit ginawa at isinabay sa mismong araw ng kapistahan ng Itim na Nazareno na sagrado at iginagalang ng mga Katoliko?
Nakalimutan kayang bigyan ng konsiderasyon ng Batang Quiapo team ang aspetong 'yun?
Kilala naming magalang at mababa ang kalooban ni Coco Martin. Hindi naman siguro kabawasan sa kanilang grupo kung hihingi sila ng paumanhin sa mga na-offend sa kanilang ginawa.
Baka nga sa paraang 'yun, MAS PAGPALAIN sila ng Itim na Nazareno at tangkilikin din nang bonggang-bongga ng madlang pipol ang FPJ's Batang Quiapo tulad ng naging pagtanggap at pagyakap ng mga kababayan natin sa FPJ's Ang Probinsyano sa loob ng pitong taon.
Habang naka-video…
VILMA, GAME NA GAME SA PAGHAWAK NG 'MANOY'

Aliw much kaming panoorin ang mga vlogs ng idol naming si Star for All Seasons Vilma Santos-Recto a.k.a. Ate Vi.
Napakanatural kasi niya at walang pretensiyon. Sa totoo lang, mas masarap panoorin 'yung mga real-life videos niya ngayon, although siyempre, hindi naman dapat isawalang-bahala ang malaking kontribusyon niya sa pelikulang Pilipino dahil sa maraming magagandang pelikulang nagawa niya.
Kumbaga lang, hindi kasi tayo nasanay na makita ang totoong anyo ng mga artista na dati ay napapanood lang nating umaarte.
Pero ngayon, totoong buhay na nila ang nagbibigay-ligaya sa atin kaya sobra tayong naa-amaze na matuklasan ang kanilang mga galawan sa totoong buhay.
'Yung New Year's vlog nga ni Ate Vi kung saan ipinakita niya ang naging selebrasyon ng kanilang pamilya sa Punta Fuego, Batangas, nakakaaliw silang panoorin ng kanyang "labidabs" na si Sen. Ralph Recto.
Lalo na 'yung dance showdown nila na hindi mo aakalaing mapapasayaw pala nang ganu'n ang isang senador na ang tingin ng marami ay napakaseryoso sa loob ng Senado.
At pati 'yung kantiyaw sa kanila na "Kiss! Kiss! Kiss!" ay kinasahan ni Ate Vi at siya talaga ang umabot sa lips ng mister para makapag-lips-to-lips sila!
Biro tuloy kay Ate Vi ni Sen. Ralph, may content na raw ito sa kanyang YouTube vlog! Hahahaha!
Meron din kaming napanood na video ni Ate Vi kasama ang kanyang ate at ilang staff na nagpunta sa Baguio at namili sa isang souvenir store roon.
Halaaa! Si Darna, hindi na bato ang hawak kundi… eheeeem… ang 'wooden Junjun' ni Machete na famous souvenir mula sa Baguio.
Aliw na aliw at game na game pa si Ate Vi na pinaghahawakan at ipinokus pa sa camera ang mga naglalaking "Junjun" bridge is not falling down kundi up na up! Hahahaha!
Ah, basta, 'katuwa lang panoorin si Ate Vi at hindi mo iisiping minsan siyang gumanap na madre bilang si Sister Stella L.! Hehe!