ni Nitz Miralles @Bida | Feb. 3, 2025
Naging isyu ang pagpo-post ni Heart Evangelista ng cake na sa halip na “Happy Birthday” ang nakasulat na message sa ibabaw ay “Charaught.”
Para sa mga non-fans ni Heart, hindi pang-matured ang ginawa niya, dapat daw, maging masaya siya, kuntento at may peace of mind.
May nag-wish naman na for her 40th birthday, mabawasan ang pagse-shade ni Heart at maalis na ang insecurities niya dahil wala na siyang dapat ika-insecure.
Ang wish naman ng majority, kumilos siya ayon sa kanyang edad.
Nag-react ang mga fans ni Heart sa mga comments na ‘yun. Favorite expression lang daw nito ang “Charaught” at big deal na sa iba. Saka, nakikita nilang happy and contented si Heart at nag-e-enjoy pa sa kanyang mga ginagawa gaya ng pagrampa sa mga fashion week.
Malapit na nga ang birthday ni Heart, she’s turning 40 on February 14, kaya ang caption niya sa kanyang post ay “Two weeks till #Chapter40.”
This early, marami na ang nagwi-wish ng happy birthday kay Heart at mas darami pa ito till her birthday.
Ang napansin lang namin, pilit idinidikit ng fans ni Heart si Pia Wurtzbach, may mga posts sila patungkol kay Pia. Isyu sa kanila na wala ito sa Paris Fashion Week Men’s Shows. Wala nang isyu dapat dito lalo na’t tapos na ang fashion week. Sa upcoming birthday na lang ni Heart tayo mag-concentrate, masaya pa.
Kahihiyan din daw ng anak…
BEAUTY, HUBO’T HUBAD NA SA SOCMED, AYAW KUNING ENDORSER
Natawa kami sa kuwento ni Beauty Gonzalez na pinagagalitan siya ng manager niyang si Becky Aguila ng Aguila Entertainment dahil sa pagpo-post niya sa Instagram (IG) ng mga sexy photos niya.
Ito ‘yung photos na naka-bikini siya, mapa-one-piece o two-piece bikini, labas ang kanyang kaseksihan. May bikini pa siya na sa harap lang ng katawan niya ang may takip at pagtalikod, halos hubad na siya.
Grabe ang reaction ng mga netizens, lalo na ang mga may-edad at halos i-crucify si Beauty. May mga nagsasabing unfit siyang maging ina, may comment pa na hindi siya good example sa anak niyang si Olivia. May nagtanong pa kung hindi ba nahihiya ang anak sa mga kaibigan niya dahil sa mga suot ni Beauty?
May nag-call out pa sa mister ni Beauty, dapat daw niyang i-remind ang aktres na maghinay-hinay sa kanyang mga suot na swimwear.
Unbothered nga lang si Beauty at tuloy ang pagpo-post ng photos niya in her sexy swimwear na ikinaloloka ng mga netizens.
Na-call out na rin si Beauty ng manager niya, hindi raw tuloy siya makakuha ng endorsement pati ang anak dahil sa mga posts niya.
Nai-share ni Beauty ang tungkol dito habang papunta sa float na sasakyan nila ni Senator Bong Revilla para sa motorcade ng finale episode ng Season 3 ng Tolome, Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis (TWMNPSMNM). Mukha namang unbothered ang aktres at ibig sabihin nito, tuloy ang pagpo-post niya ng kanyang sexy photos.
Anyway, babalik ang TWMNPSMNM after election. On hold muna ang show dahil campaign period at tumatakbong senador si Bong sa May 2025 elections. Sabi ni Beauty, abangan ang kanilang pagbabalik and in the meantime, tutulong silang mga co-stars niya sa action-comedy series sa kampanya ni Bong.
BELA, NI-LIKE ANG POST NA NANG–IIWAN SA ERE SI XIAN LIM
SA latest post ni Bela Padilla sa Instagram (IG), nasa bansa na siya at nagbabakasyon sa Bohol at enjoy ito sa pag-iikot sa ganda ng probinsiya. Hindi pa yata ito aware na isyu ang pagla-like niya sa isang post patungkol kay Xian Lim.
May nag-post ng photo ni Xian suot ang pilot uniform, may nag-comment sa post na ‘yun ng “‘Wag kayo sasakay d’yan, baka iwan kayo n’yan sa ere,” at may caption pa sa baba ng “At ako’y iniwan mo.”
Mababasa ang pangalan ni Bela na isa sa mga nag-like, kaya ang tanong ng mga netizens, alin ang ni-like ni Bela? Ang photo ni Xian o ang comment sa post?
Best friend ni Bela ang ex ni Xian na si Kim Chiu, kaya hindi maiwasang isiping para kay Kim ang ginawa nito.
May nagpaalala kay Bela na matagal nang break sina Xian at Kim at kung masaya ang aktor sa piling ni Iris Lee, masaya rin si Kim sa piling ni Paulo Avelino. Dapat daw maging happy na lang ang lahat.
Ang hinihintay naman ng ibang mga netizens ay ang magiging reaction ni Bela Padilla kapag natanong sa pagla-like o pagko-comment sa photo ni Xian Lim.