ni Jemuel C. Salterio @Talbog | Dec. 10, 2024
Sa isang intimate event na dinaluhan ng mag-asawang Alex Gonzaga at Mikee Morada kamakailan, ibinahagi ni Alex ang kanyang bagong journey. At hindi lang basta journey, kundi ang pagiging full-time support system ni Alex sa kanyang asawa na kasalukuyang tumatakbong vice-mayor ng Lipa City, Batangas.
Ipinakilala ni Alex ang mister sa lahat ng people na present sa gathering na kanilang dinaluhan.
“This is my first time introducing my husband to you, guys. We got married during the pandemic,” ani Alex.
Sa mga kasalukuyang kaganapan, tila ‘chill na’ si Alex sa kanyang showbiz career, ‘laying low’ daw siya ngayon, at mas pina-prioritize ang asawa. Kaya naman tumatanggi siya sa mga offers.
“Of course, I’m thankful,” pagpapasalamat ni Mikee sa desisyon ng misis.
Nagbigay ng isang nakakatuwang detalye si Mikee tungkol sa kanilang plano bilang mag-asawa.
“My wife and I are trying to have a baby. I don't want to lose focus either... Family is our priority.”
Nakooo, mukhang seryoso na ang mag-asawa sa pagbuo ng kanilang pamilya!
‘Starting a family, building a family is tough,” sey pa ni Alex.
Pero dagdag pa ni Mikee, “Alex will always be Alex... But she’s more careful now.”
Dati raw kasi, medyo ‘wild’ si Alex, pero ngayon, ‘mas may puso na’ sa lahat ng desisyon.
Ngayon, hindi na lang basta vlogger si Alex, masaya siya sa pagiging supportive wife kay Mikee sa kampanya nito. Hindi raw niya balak mag-showbiz comeback, kundi mas gusto niyang mag-focus sa pamilya.
“I’m not saying it with finality... As of the moment, I enjoy supporting Mikee in his bid,” ani Alex.
Pati ang mga isyu at kontrobersiya na patuloy na ibinabato sa kanya, hindi na raw siya apektado.
“It’s part of the consequence of my being childish and immature,” sey ni Alex.
Dagdag niya, “What’s important, my husband and family remind me, ‘You know your mistakes, and you’re trying to improve, trying your best not to repeat them. And we see that you've changed for the better…’”
Diin niya, “I feel I've matured… I can’t forever be a teenager, forever a jerk.”
Well, hindi mawawala ang walang-humpay na pasasalamat ni Alex sa kanyang ina at manager na si Mommy Pinty.
“I will forever be grateful and thankful to Mommy Pinty for all her wisdom and the things she taught me. Hindi lang siya mom and manager ko, but she's also my bestie,” madamdaming paglalahad ni Alex.
Mukhang nag-level-up na nga si Alex Gonzaga!
‘Yun na! Ambooolancia! #ChairmanNgChikahan #MaritesInChie #Talbog
Mga Ka-BULGARians, handa na ba kayong ma-shookt? Dahil si Nico Locco, a.k.a. Nicholas Timothy Fowler ay nagbigay ng pasabog sa katatapos lang na Ima Wa Ima Asian International Film Festival sa Japan.
Nanalo ang ating heartthrob ng prestihiyosong ‘Breakthrough Performance Award’ para sa kanyang role bilang Jessie sa paparating na pelikulang Kolektor ng VMX.
Ito ang unang international win ng Kolektor ngayong taon, at besh, ano'ng bonggang panimula naman ‘to!
Ang pelikulang ito ay mula sa direksiyon ng fabulous na si Direk Nijel De Mesa at produced ng visionary team sa NDM Studios.
Sa Ima Wa Ima Film Festival pa lang, lahat ng critics ay napa-gasp. Ang feedback?
“Emotional depth, nuanced portrayal, and magnetic screen presence.”
True naman!
Sa acceptance speech niya, nagpasalamat si Nico sa buong Kolektor team at siyempre, kay Lord.
“To God be the glory!” sigaw niya.
Well, ang Kolektor sa direksiyon ni Direk Nijel De Mesa ay isang gripping psychological thriller na magpapaiyak, magpapakaba at magpapa-wow sa inyo mula umpisa hanggang dulo.
Si Nico Locco ang standout talaga. Lahat ng mata, nasa kanya, at base sa mga reviews, ang karakter niya bilang si Jessie ay unforgettable.
Hindi lang ito panalo ni Nico, ito’y isang bonggang panalo ng buong Filipino cinema.
Imagine, besh, homegrown talent na kumakabog sa international stage.
Congrats, Nico Locco at #TeamKolektor! Keep slaying, dahil, gurl, the world is your runway. Charaught!