ni Jemuel C. Salterio @Talbog | Jan. 3, 2025
Mainit na usap-usapan ngayon ang hindi pagsipot ni Barbie Imperial sa recent family gathering ng mga Gutierrez na dinaluhan ng mga prominenteng miyembro tulad nina Ruffa Gutierrez, Annabelle Rama, Eddie Gutierrez, Raymond Gutierrez, at iba pang kapatid at mga anak.
Napansin ng marami na absent si Barbie, na kilalang laging present sa mga okasyon ng pamilya Gutierrez, mula sa Italy trip hanggang sa burol ng hipag ni Richard.
Kaya naman, maraming haka-haka ang lumutang — may kinalaman daw ito sa umano’y isyu sa pagitan nina Richard Gutierrez at John Estrada, co-star ni Barbie sa Batang Quiapo (BQ).
True kayang may ‘something’ kina John at Barbie?
Sa likod ng kamera, ayon sa mga tsismosa’t tsismoso sa set, super close raw ang dalawa. Lagi raw silang magkasama tuwing break, at may mga eksena pa na todo-kulitan.
Isang insidente ang nagpainit lalo sa usapan — nang biruin ni Barbie si John na gusto niya ng liempo. Aba, hindi nagpatalo si kuya mo! Nagpa-feast agad si John para sa buong cast at crew. Ang generous, ‘di ba? Pero sabi ng iba, baka raw hindi lang simpleng generosity iyon.
Dagdag pa ng isang source, mukhang hindi ito ikinatuwa ni Richard, na may mga sinasabing pamatay na tingin tuwing magkasama ang dalawa.
Hala, selos alert! May bulong-bulungan pa nga na sinubukan daw ni Richard na pag-usapan ang isyu sa executive producer ng kanilang proyekto. Ang chika?
Gusto raw ni Richard na ilipat si Barbie sa kanyang sariling show o kaya naman ay ipa-exit ang karakter nito sa BQ. Ang lala, ‘teh!
Tahimik si Sarah Lahbati, pero may alam kaya? Sa kabila ng mga isyu, dedma lang ang asawa ni Richard.
Hindi rin nakatulong na kilalang chick magnet si John Estrada. Mula sa kanyang mga relasyon kina Janice de Belen at Priscilla Meirelles, madalas na siyang laman ng balita. Kaya naman ang closeness niya kay Barbie ay madaling nagiging tsismis.
Dagdag pa rito, si Barbie mismo ay hindi ligtas sa intriga dahil sa kanyang past relationships kina Diego Loyzaga at JM de Guzman.
Habang mainit ang usapan, hati rin ang reaksiyon ng mga fans. Ang iba, natutuwa sa chemistry nina John at Barbie. Pero ang iba, hindi maalis ang duda na baka may namamagitan na nga sa dalawa.
Sa kabila ng drama, patuloy pa ring tinatangkilik ang BQ dahil sa solid nitong kuwento at talented cast. Pero ang tanong — hanggang kailan magiging smooth ang production kung may mga ganitong palasak na isyu?
Habang hinihintay ng lahat ang official na pahayag nina Richard, John, at Barbie, ang chika off-cam ay parang mas exciting pa kaysa sa mismong palabas.
Abangan ang susunod na kabanata, mga Ka-BULGARians!
‘Yun na! Ambooolancia! #ChairmanNgChikahan #MaritesInChief #Talbog
Ang 2024 ay taon ng drama, tagumpay, at pasabog para kay Gerald Santos.
Hindi natin maikakaila, ang isyu ng sexual abuse na bumalot sa kanya ang tila nagpaalon muli ng pangalan niya sa kamalayan ng mga Pinoy. Totoo, walang script, walang plano, at lalong walang orchestrated na drama.
Matagal nang sugatan si Gerald, pero sa kabila ng lahat ng hirap, kinimkim niya ito at ipinagpatuloy ang laban. Hanggang sa dumating ang sandali na kailangang magsalita — at doon nagising ang sambayanan.
Sa mga ganitong panahon, doon mo makikita kung sino talaga ang kakampi mo. May mga totoong kaibigan daw pero tumalikod noong pinakamadilim na yugto ng buhay ni GeraldPero heto ang twist, ngayong Pasko, nagparamdam ulit sila! Aba, ang saya, ‘di ba?
Salamat naman sa Diyos, deadma na lang sa kanila.
Kakaunti lang ang ganitong mga tao sa buhay ni Gerald. At sa kabilang banda, mas marami ang mga tunay na kaibigan at supporters na hindi bumitaw.
Grabe, 18 years na si Gerald sa showbiz, at sa totoo lang, hindi siya mapapantayan. Ang kanyang Grateful concert sa Music Museum nitong 2024 ay punumpuno ng emosyon at talento. Punuan ang venue, mga Mare! At dahil sa tagumpay na ito, nabigyan si Gerald ng Aliw Award bilang Best Male Performance in a Concert.
Hindi lang ‘yan! Isa pang milestone ang naitala ni Gerald noong Setyembre. Aba, winner siya bilang Best Actor in a Movie Musical para sa pelikulang Al Coda (AC) sa Wu Wei International Film Festival (WWIFF) sa Taipei, Taiwan. International award, mga ‘teh! Sino ang makakapigil sa kanya?
Sa larangan ng pag-arte, patapos na si Gerald sa kanyang bida-kontrabida role sa Ayaw Matulog Ng Gabi (AMNG). At, may mga bagong script pang dumarating para sa kanya. Tila walang tigil ang blessings, in fairness!
Sa music, todo rin ang pasabog. Na-record ni Gerald ang kantang Hamon para sa biofilm ni Mayor Marcos Mamay, na isinulat ng legendary composer na si Vehnee Saturno. Nakaabang din ang Walang Tigil (WT), isang composition ni Doc Willie Ong mismo, at siyempre, siya rin ang nag-record.
Pero ang pinakaintriga? Ang upcoming single niya na Hubad. OMG mga sis, sexy ang peg! Composed by future hitmaker MacMac Gan, ito ay inaasahang magpapainit ngayong January, 2025. Prepare na, dahil iba ang Gerald Santos na maririnig dito.
Nasaktan at dumapa man si Gerald sa mga panahon ng pagsubok, pagpasok ng 2025, ready na si Gerald para sa major concert na Courage sa SM North EDSA Skydome. Isa itong proyekto na pinlano pa sa huling quarter ng 2024. Laban kung laban, ‘di ba?
Hindi man madali ang naging 2024 para kay Gerald, napatunayan niyang hindi siya basta matitinag.
‘Yun na! Ambooolancia! #ChairmanNgChikahan #MaritesInChief #Talbog