ni Jemuel C. Salterio @Talbog | Dec. 1, 2024
Mga Ka-BULGARians, kapit lang at ihanda na ang inyong sarili kasi bonggang kuwentuhan ito!
Ang nag-iisang Star for All Seasons, si Ate Vi, ang legendary Vilma Santos-Recto, ay bidang-bida sa Vilma Santos: Woman, Artist, Icon (The Vilma Santos Retrospective) sa University of Santo Tomas (UST) kamakailan.
At gurl, hindi ito basta tsikahan lang, ha! Parang spill-the-tea na chikahan with a touch of hugot at wisdom!
Kung akala n'yo ay kilala n'yo na si Ate Vi, aba, pack-up muna dahil wrong ka d’yan, dai! Ang dami niyang pasabog mula sa career niya bilang aktres hanggang sa kanyang rollercoaster ride sa pulitika. Kaya umupo na’t magbasa kasi ito na ang mga highlights ng gabing ‘yun.
Eto na nga, mga ateng. Aminado si Ate Vi na hindi puwede ang charing sa pulitika. Ang pulitika ay ibang-iba sa glamour ng showbiz. Kung sa showbiz ay todo-VIP treatment at ka-level ng royalty ang peg, ibang-iba raw ang eksena sa public service.
“Sa showbiz, malaki ang kinikita ko, pero bilang public servant, kami pa minsan ang naglalabas ng sariling pera sa pagtulong,” sey niya.
Oh, ‘di ba, dedma na ang chika na ‘pera-pera lang ang pulitika'.
At eto pa, mga nini! Apat na beses nang inalok si Ate Vi na maging bise-presidente, mula pa noong panahon ni Pangulong Joseph ‘Erap’ Estrada hanggang sa eksena ni Gloria Macapagal-Arroyo.
Pero ang sagot niya, “Pass muna, mga dai! Bakit? Ang paglilingkod ay hindi para sa posisyon o titulo, kundi pagsasakripisyo para sa mga pinaglilingkuran."
Kaya kahit noong dapat ay magre-retire na siya bilang gobernador ng Batangas, tumakbo ulit siya bilang re-electionist dahil gusto niyang tapusin ang mga nasimulan niya.
Taray, 'no? Walang unfinished business, besh!
Sinabi rin ni Ate Vi na magkaiba ng eksena ang showbiz at pulitika.
“Masarap maging artista. Sikat ka na, ang taas pa ng bayad sa ‘yo. You get special treatment in everything. Kaya lang, ‘pag naging public servant ka, masasakripisyo ‘yun,” kuwento niya.
Dagdag pa niya, ibinilin niya kina Luis Manzano at Ryan Recto na kung wala sila sa tamang mindset para magsakripisyo, aba, huwag munang pumasok sa pulitika.
“Politics is very different from show business. Sa showbiz, special ang treatment nila sa ‘yo, pero pagpasok mo sa pulitika, ibang usapan na ‘yun,” sey ni Ate Vi.
Kaya kung kulang ang puso, eh, di mag-commercial na lang daw muna ng hotdog, mga dai!
Nakaka-wow talaga si Ate Vi, kasi pati ang mga Gen Z ay todo-bow at speechless sa kanya.
Ang iconic films niya tulad ng Bata, Bata, Pa’no Ka Ginawa? (BBPKG), Tagos sa Dugo (TSD), Dekada '70 at Ekstra ay hindi lang na-appreciate ng mga bagets, kundi naging life lessons pa! Imagine mo, habang ikinukuwento niya ang journey niya bilang aktres, ramdam ng lahat ang energy at passion ni Ate Vi.
At gurl, kahit daw maliit siya sa height, kahit ang mga brusko ng Batangas, tiklop kapag si Ate Vi na ang nagsalita.
“‘Pag si Ate Vi na ang nagsalita, iba talaga!” sey nga ng mga students.
Ang pinaka-wisdom bomb ni Ate Vi? Hindi raw mahalaga ang posisyon o titulo. Ang mahalaga ay ang buong puso sa ginagawa. Kaya naman kahit sa showbiz o pulitika, Ate Vi is a queen!
Aminado si Ate Vi na sobrang saya niya sa pag-arte. Sa dami ng iconic roles niya, isa sa pinaka-favorite niya ay ang pagiging Darna.
“I think I enjoyed doing Darna because I had a lot of fun. Hindi lahat ay nabibigyan ng pagkakataon maging Darna. I really had fun doing it. Also, Dyesebel,” kuwento niya.
Aba, hindi lang pang-Filipina superhero, kundi pang-Grand Slam Best Actress din si Ate Vi! Apat na beses niyang nakuha ang titulo ng pagka-Grand Slam Best Actress.
Sa huli, ipinakita niya kung bakit mahal na mahal siya ng masa. Hindi kayamanan o kapangyarihan ang habol niya, kundi genuine na pagmamahal mula sa mga tao.
Kaya naman wala nang makakatalo kay Ate Vi — tunay siyang Star for All Seasons at Queen for All Generations!! ‘Yun na! Ambooolancia! #CertifiedVilmanian #Talbog