ni Julie Bonifacio - @Winner | October 17, 2021
Born and raised pala ang komedyanteng si Inday Garutay, na ang tunay na pangalan ay Christopher Borja, sa San Juan.
Dahil d’yan, gusto niya na makatulong sa kanyang mga kadistrito sa San Juan. And the best way na matulungan sila ni Inday ay ang pagtakbo niya ulit as a public servant sa San Juan.
Isa sa mga plataporma ni Inday sa kanyang pagtakbo bilang konsehal ay ang magkaroon ng guidance counselor sa bawat barangay sa kanilang lugar para mapangalagaan ang mental health ng kanyang mga kadistrito.
Based on her personal experience kaya napili ito ni Inday na bigyan ng pansin sa kanilang lugar.
Nakausap namin si Inday sa online show na #CelebrityBTS BULGARAN NA sa Facebook page ng BULGAR kahapon, Sabado.
Inamin niyang minsan na rin siyang nag-consult sa psychiatrist nang may matindi siyang pinagdaanan, kaya nakikita niyang malaking tulong ang guidance counselor sa mga barangay para magbigay ng professional help sa mga nagdadaan sa depression and mental health problem.
The night before ng aming tsikahan ni Ateng Janiz Navida kay Inday sa #CelebrityBTS BULGARAN NA ay kasama raw niya ang tatakbong muli bilang senador na si Jinggoy Estrada.
Kabilang si Inday under Jinggoy and former President Joseph ‘Erap’ Estrada’s political party, ang Partido ng Masang Pilipino (PMP).
And speaking of former Senator Jinggoy, proud siya sa naging accomplishments niya noon sa Senado.
“The Senate records will bear witness to my performance as a senator,” lahad ni former Sen. Jinggoy.
Habang siya ay nanunungkulan sa Senado, nakapag-akda si Sen. Jinggoy Estrada ng 617 bills at mga batas na naglalayong matulungan ang mga kababayan nating biktima ng kahirapan.
Nariyan ang ilang batas na nagsagip sa mga inabusong OFWs sa Middle East, pati na rin ang Kasambahay Law na nagpatibay ng mga karapatan at seguridad ng mga kasambahay.
Pinalawig din ni Sen. Jinggoy ang mga batas kaugnay ng Public Employment Service (PES) at Special Program for the Employment of Students (SPES) na pinakinabangan ng ating mga kabataan.
Bukod pa riyan ay mayroon din siyang mga naipasang pag-amyenda sa Labor Code at marami pang iba.
Nagpakita naman ng pagsuporta ang mga netizens sa pagtakbong muli ni Jinggoy sa Senado.
“My family supports Jinggoy Estrada.”
“Go Senator Jinggoy, gawa ka naman ng batas para sa mga OFWs na overage na, 'yung magandang benepisyo para sa mga active at non-active OFWs. Thank you po, Mr. Senator, we will support you.”
So, 'yun.