top of page
Search

ni Julie Bonifacio - @Winner | December 04, 2021




Lantaran na ang relasyon ng singer na si Sheryn Regis at ng YouTuber na si Mel de Guia.


Kahapon ay may “back-to-back” posts on their respective socmed accounts sina Sheryn at Mel ng piktyur nila na magkasama sa tabi ng malaking lawa with matching outfit — black na t-shirt, white shorts and rubber shoes.


Naka-post ang picture ng mag-partner sa Instagram account ni Sheryn, habang sa Facebook page at sa Instagram naman ni Mel ang sa kanya.


Pero parehong single black heart na emoji ang nakalagay sa caption sa magkahiwalay nilang post.


Mukhang okey naman sa mga netizens ang relasyon nina Sheryn at Mel based sa nabasa naming comment-posts nila.


“Stay happy and in love Inday Sheryn and Mel."


“Bagay na bagay, kakilig naman. Love u both.”


“Stay in love, Ms. She.”


Sa kabila nito, marami rin ang bumabatikos sa relasyon nina Sheryn at Mel.


“Asan na 'yung sinabi ni Mel na kahit araw-araw mag-away, walang iwanan?”


Ang tinutukoy ng netizen na sinabihan ni Mel ay ang ex-partner niya sa YouTube channel na The Ulagas at model na si Nicole Mendoza.


“Nakakita ng bago, eh, kaya lakas ng loob makipaghiwalay.”


“May reserba na, magmotmot na nga sila, hahaha! Mag-2 months na, hahaha. Both cheater.”


Karelasyon pa raw ni Mel si Nicole nu’ng ma-meet niya si Sheryn. Tapos, heto namang si Sheryn, ang tsika ay dyowa na raw niya for more or less two years ang kanyang manager na si Mich Unso.


Sabi ng source namin, till next year pa ang kontrata ni Sheryn kay Mich.


Sa ngayon, busy si Sheryn sa pagluluto ng kanyang food business na Torta.


And based sa post ni Mel na nakita namin, mukhang balak niyang pakasalan si Sheryn.


Puwede kaya ‘yun? Hindi kasi kami masyadong pamilyar pagdating sa legalidad ng kasalan sa LGBTQ community.


Ang alam namin, parang legally binding pa rin ang kasal ni Sheryn sa kanyang mister na si Earl Vincent Echiverri or “Tito Earl” kung tawagin sa showbiz.


Naku, para maliwanagan tayo sa isyung 'yan kay Sheryn, tutukan ang online show namin ni Ateng Janice Navida sa BULGAR Facebook page, ang #CelebrityBTS BULGARAN NA ngayong Sabado, 11 AM.


Abangan ang no-holds-barred first interview at rebelasyon ng manager ni Sheryn at dating karelasyon na si Mich Unso sa #CelebrityBTS BULGARAN NA, live na mapapanood ngayong Sabado.


 
 

ni Julie Bonifacio - @Winner | December 03, 2021




Super sweet ang ginawang video sa TikTok ng singer na si Sheryn Regis kasama ang YouTuber na si Mel de Guia.


Sa naturang video ay makikita si Sheryn na nag-e-emote at kapagkuwan ay sasabayan ang dub sa TikTok na Love Yourself.


Pagkatapos ay lumitaw si Mel sa frame at sinabayan ang naka-dub na linyang "Tapos, ako next," saka hinalikan si Sheryn sa pisngi at nagsayaw ang dalawa na super-dikit sa isa’t isa with background music ng kantang Mr. Kupido.


Siyempre, ang mga Marites, mabilis sa pag-conclude at tinawag nilang ‘jowa reveal’ ang TikTok video nina Sheryn and Mel.


Medyo matagal na rin na pinag-uusapan ng mga Marites sa socmed sina Sheryn at Mel.


Wala naman daw problema kung maging sila or kung proud member ng LGBTQ si Mel.


Pero ang tsika ng mga netizens, kapwa may kani-kanyang partner diumano sina Sheryn at Mel na niloko nu’ng maging sila.


Knows sa online community na ang dyowa ni Mel ay ang model na si Nicole Mendoza na kasama niya sa YouTube channel na “The Ulagas,” habang si Sheryn naman ay nauugnay din daw sa isa ring member ng LGBTQ community.


Kaya ganu'n na lang i-bash ng mga netizens ang dalawa especially si Mel na lantad sa online community ang relasyon kay Nicole.


As for Sheryn’s rumored partner, any moment ay magka-come out na rin siya in public.


In fact, we tried to invite her sa online show ng Facebook page ng BULGAR, ang #CelebrityBTS BULGARAN NA na live na napapanood tuwing Sabado, 11 AM.


So, abangan n'yo this Saturday ang mga pasabog ng YouTuber na si Mel tungkol dito sa sweet video nila ni Sheryn.


 
 

ni Janiz Navida @Ateng says | November 16, 2021



HELLO, mga Ka-Bulgar!!!


Na-miss n'yo ba ang mga pa-one-liner ni Ateng Janiz?


Well… heto na, awrahan na natin ang mga latest ganap ngayon sa showbiz dahil feel na feel ko nang chumika!


Break na raw sina Janine Gutierrez at Rayver Cruz… 1 month na!


"No time for each other" daw ang dahilan, ayon sa source ng PEP.ph, at hindi ang kani-kanilang 'screen partner' ngayon na sina Paulo Avelino at Julie Anne San Jose.


Hmmm… 'di kaya nag-CLASH sina Rayver at Janine dahil hindi agad nasabi ng aktor na…


MARRY ME, MARRY YOU!?


Tsk, sayang naman!


Wedding vows nina Ellen Adarna at Derek Ramsay…


ELLEN: I promise to be the b*tch that I am that you fell in love with, that will be maintained very well.


DEREK: Life is a b*tch. Then you marry one.


'Di lang pala sila soulmates… B*TCHMATES pa!!!


Yaaaay! Ang chuuuweeeet! Ibaaaaah!


Diego Loyzaga, nagri-reach out na raw sa amang si Cesar Montano.


Pak!!! Sana all, Diego, devah?!


Eh, baka naman busy pa sina Julia, Claudia at Leon Barretto kaya 'di makapag-reach out kay Dennis Padilla?


Oh, at least sa mga fans nila, lagi silang may time!


Kaya Dennis, join ka na rin sa JuRald fans! Okidok?!



Sanya Lopez at Derrick Monasterio, umaming holding hands while sleeping.


Pero… as friends lang daw!


Oh, ha?! Kinabog sina Paolo Contis at Yen Santos na holding hands while walking naman sa Baguio… AS A FRIEND!


Juskoooolord!


Sino naman kaya ang next na magde-declare na HOLDING HANDS WHILE KISSING… pero AS A FRIEND lang?!


Kalurkey!!!


Wil Dasovich at Alodia Gosiengfiao, hiwalay na rin!


Buhkeeeet?!


Naku, naku, naku! Abangan na lang natin sa vlog nila ang dahilan!


Yes, ganeeeeeeeern!


Sen. Manny Pacquiao, walang balak umatras sa pagka-pangulo.


Oh, eh di ubusan ng yaman is the game!


Tutal, gusto naman daw talagang makatulong at mamigay ng datung ni Sen. Manny, eh, di walang atrasan… go, go, go nga lang!


Eh, sana lang, maambunan muna tayo ni Santa Manny este Sen. Manny sa Pasko bago maubos ang yaman niya!


Char!!!


Kim Chiu, ipinasilip na raw ang bonggang Christmas tree!


Oh, eh, ano naman?!


Mabuti nga si Kim, Christmas tree ang ipinasisilip, 'yung iba d'yan, flower nila ang ipinasisilip.


Aaaay!!!


Fresh or dried?! Charot!


O, siya, 'til our next chikahan, mga ateng!


'Nga pala, don't forget to watch Ateng's daily online show sa BULGAR FB page, ang #CelebrityBTS Bulgaran Now!, 3 PM, at ang #CelebrityBTS Bulgaran Na! with Ateng Julie Bonifacio, every Saturday naman, 11 AM!


Kitakits!


 
 
RECOMMENDED
bottom of page