top of page
Search

ni Julie Bonifacio - @Winner | January 30, 2022




Nagtataka ang mga netizens kung bakit humupa na ang pagli-link kina Joshua Garcia at Ivana Alawi. And recently, kay Ria Atayde naman natsitsismis si Joshua.


Maraming netizens ang kinilig kina Joshua at Ivana. Bagay kasi sila.


Sa nakaraang episode ng online show ng inyong lingkod at ni Ateng Janice Navida na #CelebrityBTS Bulgaran Na sa Facebook page ng BULGAR kahapon (Sabado), tampok sina Joshua at Ivana sa mga binasahan ng kapalaran ng reliable psychic na si Maestro Honorio Ong.


Ayon kay Maestro Honorio, batay sa numero ng kanilang birth date, zodiac sign at planeta, nadiskubre ang personalidad nina Ivana at Joshua na hindi raw magka-match.


Marami pa raw gustong i-achieve sa buhay si Ivana at mataas ang pangarap nito kaya ang gugustuhing lalaki ay 'yung big time na tulad ng mga rich millionaire.


Magkapareho raw sina Ivana at Sen. Manny Pacquiao na kahit may 8-division world title na sa boxing, bilyonaryo at isang senador, hindi nakukuntento at nais pang maging presidente ng Pilipinas.


Ayon pa kay Maestro Honorio Ong, mas magka-match pa raw ang mga numero, zodiac sign at planeta nina Joshua at Ria Atayde. Bagama't nilinaw na ni Joshua na walang romance na nagaganap sa kanila ng anak ni Sylvia Sanchez.


No wonder kaya magka-vibes itong sina Joshua at Ria, eh, magka-match pala ang kanilang mga bituin, birthday at planeta.


Pero teka, mas madalas na nagkakatuluyan 'yung magkakaibigan sa simula, ‘di ba?



 
 

ni Julie Bonifacio - @Winner | December 10, 2021




Vindicated ang manager at dating karelasyon ni Sheryn Regis na si Michiko Unso sa mga eksklusibong rebelasyon na ibinulgar niya sa online show sa Facebook page ng BULGAR, ang #CelebrityBTS Bulgaran Na last Saturday tungkol sa pakikipaghiwalay sa kanya ng tinaguriang Crystal Voice of Asia at sa bago nitong partner.

Mismong si Sheryn ang nag-confirm sa kanyang socmed accounts tungkol sa bago niyang karelasyon, ang YouTuber na si Mel de Guia, na karelasyon pa ang modelo at kasama niya sa kanilang show sa YouTube na si Nicole Mendoza nu’ng maging sila diumano ni Sheryn.

Napakasakit ng pinagdaanan ni Michiko sa pakikipagrelasyon kay Sheryn. Saksi ang mga malalapit na kaibigan ni Michiko kung paanong basta na lang “ibinasura” ni Sheryn ang dating karelasyon.

Bigla na lang daw kasing nagsabi si Sheryn kay Michiko na break na sila, eh, at that time ay kababalik pa lang nito sa 'Pinas mula sa Canada kung saan naka-based ang kanyang pamilya kaya naka-quarantine ito.

Si Sheryn din ang nag-request kay Michiko na bumalik na ng 'Pinas para samahan siya rito. Bumalik naman si Michiko as per request ni Sheryn, pero sa gitna nga ng pag-iisa ni Michiko during her quarantine, nakipag-break daw sa kanya si Sheryn over the phone.

Pilit na ipinapakuha ni Sheryn ang mga gamit ni Michiko sa condo ng singer at binantaan pa raw siya na kailangang wala na ang mga gamit niya pagbalik ni Sheryn sa kanyang condo.

Naalala tuloy namin ang isang Pinay na nakabase sa US for the longest time na nu'ng bumalik ito ng Pilipinas at nagpainterbyu sa ilang members of the entertainment press ay nagkuwento ito ng sinapit kay Sheryn.

According to her, nagkaroon sila diumano ng intimate relationship ni Sheryn nu’ng nasa US pa ang singer. Todo-support din ang naturang US-based Pinay na na-in love kay Sheryn to the point na pati family daw ng singer ay siya ang bumubuhay.

Super hurt daw ang US-based Pinay nu’ng kinalasan din siya ni Sheryn. Walang duda na na-in love rin nang husto ang naturang Pinay kay Sheryn kaya agad-agad din niyang sinundan ang singer sa 'Pinas nu’ng iwan siya hoping daw na may chance pa na magbalikan silang dalawa.

For sure, iniisip na ng mga Marites kung ano’ng meron si Sheryn at bakit hinahabul-habol ng mga tibo.

Ano nga kaya?

 
 

ni Janiz Navida @Showbiz Special | December 05, 2021




Pasabog ang rebelasyon kahapon ng manager ni Sheryn Regis na si Michiko Unso nang maging guest namin ito ni Ateng Julie Bonifacio sa aming weekly online show sa BULGAR Facebook page, ang #CelebrityBTS Bulgaran Na!.


Eksklusibo naming nakapanayam sa aming online show ang dating CEO ng advertising agency-turned concert producer-manager ni Sheryn.


"We were a couple," ang diretsong pag-amin ni Mich nang tanungin ni Ateng Julie kung ano ba talaga ang namamagitan sa kanila bukod sa kanilang talent-manager relationship.


Kasunod nito ang pagkumpirma niya na dalawang taon at kalahati ang itinagal ng kanilang relasyon ni Sheryn at nag-live-in sila sa condo ng singer bago sila nagkahiwalay nito lang August or September dahil sa pagpasok sa eksena ng bagong tibong dyowa diumano ni Sheryn, ang YouTube vlogger na si Mel de Guia.


By the way, proud member din ng LGBTQIA community itong si Mich at hangga't maaari nga raw sana, ayaw niyang itago ang naging relasyon nila ni Sheryn.


Pero dahil nga siya rin ang manager ng singer, nagsakripisyo siyang 'wag maging public ang kanilang relasyon para maprotektahan ang imahe ng magaling na diva na nagbalik nga sa Pilipinas para ipagpatuloy ang kanyang singing career.


Ang ikinasasama ng loob ni Mich kaya nagsalita na ito, bukod sa bigla na nga lang siyang hiniwalayan ni Sheryn na nakatagpo na raw pala ng bagong dyowa na idinenay naman nito nu'ng unang komprontahin niya, eh, paulit-ulit pa raw siyang binastos bilang manager at bilang karelasyon.


May kontrata pa sa kanya si Sheryn hanggang 2022 pero sa ngayon, dahil ayaw daw siyang kausapin nito, hindi pa niya alam kung ano'ng mangyayari sa talent-manager relationship nila, bagama't as a couple nga ay hiwalay na sila matapos daw siyang ipagpalit kay Mel de Guia.


Ang kumpletong detalye sa love story nina Sheryn at Mich ay mapapanood sa aming panayam na nasa BULGAR YouTube Channel na ngayon.


Samantala, bukas ang aming pahayagan para sa panig ni Sheryn Regis kaugnay ng mga ibinulgar ng kanyang manager na si Mich Unso.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page