ni Julie Bonifacio - @Winner | July 11, 2022
Nahirapang sagutin ng outgoing Film Development Council of the Philippines chairperson and CEO na si Liza Diño ang tanong kung paano niya kinumpirma sa kanyang staff na may bagong appointee na para sa posisyon niya sa kanilang ahensiya.
“Doon ako nahirapan. Siguro, kaya rin ako nasa FDCP, it’s because of my team. Sobrang ahhh… sila ang naging pamilya ko for almost six years,” pahayag ni Chair Liza sa exclusive guesting niya sa #CelebrityBTS Bulgaran Na sa Facebook page ng BULGAR last Saturday with Ateng Janice Navida and yours truly as hosts.
Sabi nga raw sa kanya ng partner niya na si Ice Seguerra nu’ng sinabi ni Chair Liza na bakit siya naiiyak sa pag-alis sa FDCP, “But Love, you were married to FDCP. Minsan nga, mas priority mo ‘yan kesa sa amin. Hindi ‘yan trabaho sa ‘yo, mahal mo ‘yan. Kaya of course, you'll gonna be sad.”
Feeling ni Chair Liza, kung meron daw siyang hindi nagawa during her term, 'yun ay wala siyang Plan B, which means if ever 'di na nga siya mananatili as the head of FDCP for the new government.
Ipinatawag din pala si Chair Liza sa Malacañang at doon, nagkausap sila nu’ng in-charge sa appointment para sa kapalit niya as FDCP chair.
“In-official na nga ng Malacañang, pero wala pa raw memo na nanggagaling from Malacañang. At manunumpa na si Kuya Pip pero sa amin, hindi namin alam.
“Kaya ayun, talagang nakakabigla. Wala kaming formal communication. So, that night, I need to do a video kasi grabe na ‘yung mga naglalabasan, ‘di ba? ‘Yung iba, nalulungkot, of course. ‘Yung iba, nagpa-panic kasi nga, may mga partnership. May mga plano na mabibinbin.
“So, I had to assure everyone because as a leader, it’s not about yourself. Kung ano 'yung personal kong pinagdaraanan, hindi siya importante. Meron kang responsibility. I have to tell everyone na tanggap ko siya. I just need to process. Kailangan ko lang ayusin kung ano ‘yung next step. Nandoon na ako agad. Gusto kong maging maayos.
“The next day, ipinatawag ako ng Malacañang first thing in the morning. I had a meeting with our Office of the Executive Secretary."
Super apologetic daw ang OES kay Chair Liza.
“Napakaganda ng usapan namin. From their end, ang plano talaga, they are planning to reach out for me. Kaya wala pang official na nanggagaling from Malacañang. Kasi wala pa ring appointment paper si Kuya Pip, kaya ano ang ilalabas nila?"
Nagawa naman daw linawin sa kanya ng OES ang mga bagay-bagay.
“I just needed that clear. Talaga rin namang sa charter ng FDCP, uh, while my position is fixed three years, so, hindi ako kasama sa co-terminus, tanggal, etc.. 'Yung unang lumabas na executive order, hindi talaga ako kasama roon kasi fixed term ako.
“Pero sa RA 9167 which creates the FDCP law, nakalagay doon that the chairperson has a term of three years unless removed by the president. So, in-exercise ng ating president 'yung kanyang prerogative para mamili ng bagong head ng FDCP. At hindi natin puwedeng tanggalin sa kanya 'yun dahil karapatan po niya ‘yun who wants to be with him. So, I respect that.”
Ang unang-unang naisip daw ni Chair Liza ay bumawi — right after ng transition niya ng post to Kuya Pip — sa kanyang pamilya.
“Nu’ng nagsimula ako sa FDCP, si Amara (her only daughter), ang liit pa. Ngayon, mas matangkad na siya sa akin.
“As a mother, you will always feel guilty, kasi bawat oras na hindi mo naibibigay sa anak mo ay oras na nalu-lose mo para subaybayan ‘yung growth niya. Kahit na sobrang ganda ng relationship namin ni Amara, alam ko, meron akong pagkukulang.”
Sa kabila ng pag-amin ni Chair ng pagkukulang niya kay Amara, super all-out naman ang support ng kanyang unica hija sa kanya.
May sagot din si Chair Liza sa question na na-identify na niya sa akin tungkol sa pagkakaroon nila ng baby ni Ice.
“Well, sana, makasama siya (sa mangyayari sa kanya now that she’s not that busy anymore after FDCP). Feeling ko, ayaw ko na siyang banggitin. Feeling ko, kapag pinag-uusapan, hindi natutuloy. Kung mangyayari, mangyayari. Pero feeling ko, kakayanin ko talaga to become a full-time wife,” lahad ni Chair Liza.
At kung meron man siyang top favorite or proudest siya sa na-achieve niya sa FDCP, 'yun ay ang Pista ng Pelikulang Pilipino na karamihan sa mga pelikulang nakasali ay nanalo sa mga international filmfests. Also, ang mabigyan ng chance na mag-shine ang regional local filmmakers to make it big.
Pagbubulgar pa ni Chair Liza, from a little than 40 staff members ay umabot na sila to almost 200 with a budget na kung dati ay P78 million lang, ngayon ay P278 M na, na ayon pa nga sa kanya ay budget para lang sa isang South Korean film.
Ini-reveal din niya na ang next big project sana niya for 2023 kung 'di siya pinalitan sa FDCP ay may initials na BTS (tulad ng show namin), ang “Be the Next South Korea.”
Anyway, prangka naman si Chair Liza sa pag-aming gusto pa rin niyang mag-work sa government. And if given a chance to ask or choose kung saang departamento ng gobyerno, feel daw niya, magiging effective siya to work sa Department of Tourism.
So, there.