ni Julie Bonifacio @Winner | January 8, 2023
Pasabog ang unang tsikahan namin ng entertainment editor ng BULGAR na si Ateng Janice Navida with Maestro Honorio Ong sa pagbasa niya ng kapalaran ng top controversial celebrities pagpasok ng 2023 sa episode ng #CelebrityBTS Bulgaran Na sa Facebook page ng BULGAR last Saturday.
Una na d’yan ang Best Actress sa katatapos lang na Metro Manila Film Festival na si Nadine Lustre for her top-grossing film na Deleter at si Unkabogable Vice Ganda.
Nagkataon kasi na pareho ng numerology sina Nadine at Vice kaya halos pareho sila ng kapalaran. Nalaman namin from Maestro Honorio na may pagka-extremes pala ang nakaabang na kapalaran kina Vice at Nadine.
Maaaring nasa rurok sila ng tagumpay ngayon, pero dapat daw mag-focus sina Nadine at Vice sa iba pang parte ng kanilang buhay para manatiling matagumpay. Una na d’yan ang tungkol sa kanilang kalusugan o pisikal na pangangatawan.
Hindi nga ba’t may balitang kumalat tungkol sa health condition ni Vice ngayon? Habang si Nadine naman ay aminado na nagkaroon ng problema with her mental health at maging sa kanyang pisikal na katawan.
May payo rin si Maestro Honorio sa dalawang couples na naghiwalay pagpasok ng Bagong Taon — sina Elisse Joson-McCoy de Leon at Carlo Aquino-Trina Candaza. Heto nga ngayon, si Charlie Dizon na raw ang karelasyon ni Carlo.
Based sa numbers ng birthday ni Elisse, ‘di raw talaga meant for her si McCoy bilang partner. Kumbaga, nakatadhana talaga silang maghiwalay kasi nga, 'di sila ang magkatugma batay sa mga numero ng kaarawan.
Pero ngayong nahiwalay na nga siya kay McCoy, dapat daw ay mag-focus si Elisse sa pagnenegosyo. Dito raw magtatagumpay si Elisse and then later on, mami-meet din nito ‘yung swak na partner for her.
Dahil January 6 ang birthday ni Elisse, naikonek siya ni Maestro Honorio kay Megastar Sharon Cuneta na kapareho niya ng birthday.
Dapat daw gayahin ni Elisse si Sharon na magnegosyo rin at saka na muna siya magseryoso sa love life. Kapag ginawa raw ito ni Elisse, may chance na maging bilyonarya rin siya gaya ni Mega at makatagpo ng lalaking tulad ni former Senator Kiko Pangilinan.
For sure, nagda-dialogue na ang mommy ni Elisse ng “Mother knows best” sa kanya dahil sa ipinaglaban niyang relasyon with McCoy. Feeling kasi ng mga Marites, tutol ang ina ni Elisse from day one na naging boyfriend niya si McCoy.
Hindi rin nakikita ni Maestro Honorio sa numero ni Charlie na si Carlo ang meant for her. Mas gaganda raw ang kapalaran ni Charlie kung magpo-focus siya sa kanyang career.
Although, puwede naman daw siyang makipagrelasyon, huwag lang seryosohin nang husto na maaaring makasira sa kanyang career.
Lastly, ang bagong parents na sina Luis Manzano at Jessy Mendiola. Perfect daw sina Luis at Jessy sa isa’t isa kaya naman hindi nawawalan ng blessing si Luis.
Habang si Jessy naman daw, kahit ano’ng pasukin nito na larangan ay tiyak na magtatagumpay.
So, kering-keri ni Jessy ang politics just in case na masadlak ang kapalaran niya rito.
Malay natin, baka maghalinhinan sila ni Luis sa trono ng kanyang mother-in-law sa Batangas na si ex-Congw. Vilma Santos bilang public servants. Why not, Chocnut?
Speaking of Luis and Jessy, nagkani-kanyang post na sa kanilang respective Instagram accounts ang mag-asawa ng picture ng kanilang baby na si Isabella Rose Tawile Manzano kahapon, January 7.
Ayon sa aming source, ire-reveal daw ni Jessy ang lahat ng detalye sa pagsilang niya kay Baby Rosie a.k.a. Peanut (nickname ng baby) sa kanyang vlog.
Pero duda namin, sa ospital na inabutan ng Bagong Taon ang pamilya ni Luis.
Bongga nina Luis at Jessy, ha? Bagong Taon, bagong baby. Congrats!