top of page
Search

ni Janiz Navida @Showbiz Special | March 27, 2023



Ang dami naming nalaman tungkol kay Vhong Navarro sa exclusive interview namin ng aking co-host na si Ateng Julie Bonifacio sa ex-wife ng TV host-actor na si Bianca Lapus sa weekly showbiz talk show namin sa BULGAR FB page, ang #CelebrityBTS Bulgaran Na! na napapanood tuwing Sabado, 11 am to 12 nn.


First time kasing nag-grant ng interview ni Bianca mula nang makalaya at maabsuwelto si Vhong sa kasong rape na isinampa sa kanya ni Deniece Cornejo.


Siyempre, una ay kinumusta namin si Bianca at ang kanilang anak ni Vhong na si Yce (Isaiah Navarro).


Dito namin nalaman mula kay Bianca na matagal palang dumaan sa mental stress at depression ang unico hijo nila ni Vhong mula nang mangyari 'yung insidenteng nabugbog ang comedian-TV host dahil pinagbintangang nang-rape sa model na si Deniece.


Eight years ago nang mangyari ang pambubugbog kay Vhong at kasunod na nga ru'n ang mga death threats sa buhay ng komedyante, pati ng kanyang pamilya at mga anak.


Bukod pa sa mga death threats ang pambu-bully na natatanggap ni Yce mula sa mga netizens na nagdi-DM pa raw dito, kaya dumating sa point na nag-deactivate na ng social media ang anak nina Vhong at Bianca.


Kuwento pa ni Bianca, may time ring kailangang mahiwalay sa kanya ng anak para masiguro ang safety nito.


Dumaan din sa mahabang proseso ng therapy sina Vhong at Yce dahil parehong na-trauma sa mga pinagdaanan ng TV host.



Of course, bilang ina, pinakamasakit para kay Bianca na makitang nagsasakripisyo ang anak dahil sa kagagawan daw ng taong nag-akusa kay Vhong ng rape na walang iba kundi si Deniece Cornejo.


Kaya naman buong-buo ang paniniwala ni Bianca na hindi magagawa ni Vhong na mang-rape ay dahil kuwento nga niya, nu'ng sila pa ng dating mister, napakarami raw magagandang babae (as in, ha?!) ang naghahabol sa TV host-dancer-comedian.


Ganu'n daw kalakas ang appeal ni Vhong na kahit 'di naman ito sobrang guwapo, siya ang piniling pakasalan ni Bianca over Onemig Bondoc na naging karelasyon din pala ng maganda pa ring aktres-turned businesswoman and manager.


Kaya sabi pa ni Bianca, hindi niya ma-imagine na aabot si Vhong sa puntong mamimilit ng babae dahil ito nga ang hinahabul-habol.


Samantala, naikuwento rin ni Bianca na nagkasama na sila ni Deniece sa isang event ng PETA kung saan nag-workshop daw pala noon ang model.


Pero imbes na komprontahin, dinedma na lang ni Bianca si Deniece dahil hindi rin daw niya kayang kausapin ito.


At sa tanong naman kung nagkita na rin ba sila ni Cedric Lee na nambugbog noon kay Vhong kasama ng mga kagrupo nito, mataray na sagot ni Bianca, "'Di ko siya gustong makita."


Paaak! Sabagay, maiintindihan naman natin ang hugot d'yan ni Bianca.


Samantala, nakakatuwa naman ang sinabi ni Bianca na ang magandang naidulot ng nangyari kay Vhong ay mas naging tight at solid ang relasyon at samahan nila nina Tanya Bautista (misis ni Vhong) at ng isa pang nanay ng anak ni Vhong (mas matanda kay Yce ang bata) na kahit blended family sila ay maayos ang kanilang turingan sa isa't isa.


Sa ngayon, ibinalita ni Bianca na natutuwa siyang makita na lumalabas na ng kuwarto niya si Yce at unti-unti nang bumabalik sa normal na buhay mula nang maabsuwelto si Vhong sa kasong rape.


 
 

ni Janiz Navida @Showbiz Special | February 9, 2023


Parang kahapon lang nagsama sina Judy Ann Santos at Sam Milby nang muling magkita at magkasama para sa gagawin nilang horror film na The Diary of Mrs. Winters na mula sa HappyKarga Productions at under the direction of Rahyan Carlos.


Humarap sina Juday at Sam sa storycon ng pelikula nu’ng Martes at nag-throwback sa kanilang pinagsamahang series noon sa ABS-CBN, ang Huwag Kang Mawawala (year 2013).


Dito nga nag-start ang magandang partnership at friendship nila. Puring-puri ni Sam si Juday na kahit napakagaling na aktres ay napakabait daw at tinutulungan siya sa mga eksena nila.


Parang ate naman si Juday kay Sam kaya ito raw ang dahilan kung bakit hindi sila na-link noon kahit nagkasama sa serye, bukod sa that time ay married na ang aktres kay Ryan Agoncillo.


Na-curious kasi kami at naitanong namin kay Juday kung gaano ka-supportive husband si Ryan at kung ano ang naging reaksiyon nito nang malamang sa Canada magsu-shooting ang kanyang misis at si Sam sa loob nang halos tatlong linggo.


Sagot ni Juday, very understanding naman si Ryan lalo’t artista rin ito. Basta kung saan daw siya masaya ay suportado siya ng mister. Pero siyempre, kahit hindi magtanong si Ryan, ‘automatic’ na raw na sinasabi niya rito kung sino ang kanyang leading man.


Malaking bagay din na kilala ni Ryan si Sam at nakasama na nila ito minsan sa inuman kaya tiwala naman ang mister ni Juday at wala nang selos factor kahit magtambal ngayon ang dalawa.


OFW ang role ni Juday sa The Diary of Mrs. Winters kaya naitanong din namin sa aktres kung nu’ng pandemic ba ay na-consider nina Juday at Ryan na tumira abroad since may bahay sila sa Las Vegas.


Pag-amin ni Juday, napag-usapan din nila ‘yun ni Ryan pero hanggang bakasyon lang daw siguro at hindi naman ‘yung titira na sila for good dahil mas gusto pa rin nila rito sa ‘Pinas.


Kahit si Sam Milby, mag-asawa man daw siya, mas gusto pa rin niyang manatili rito sa ‘Pinas at pabaka-bakasyon lang ang gusto niya sa ibang bansa.


Anyway, next week, magsisimula nang mag-shooting sa Canada ang buong production team ng The Diary of Mrs. Winters at baka hanggang second week of March daw sila ru’n.


Ang biggest fear lang daw ni Juday ay ang lamig doon dahil lamigin siyang tao. Pero gusto niyang i-conquer ang fear na ‘yun kaya raw niya tinanggap ang movie.


After The Diary of Mrs. Winters, ayaw na raw niyang tumanggap ng iba pang movies na magsu-shoot abroad. Gusto rin niyang magpahinga uli at baka 3 yrs. pa bago masundan ang paggawa niya ng pelikula.


 

Jhassy at Heindrick, super close pero 'friends' lang daw



Proud at masaya si Jhassy Busran na ang love team nila ni Heindrick Sitjar ay naikukumpara sa idol niyang KathNiel love team nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.


Pero hangga’t maaari raw, gusto ng mga bida sa FB series na Roommate na mas makilala bilang sila dahil ginagawa naman nila ang lahat para makagawa ng sariling pangalan sa industriya.


Sa Roommate, gumaganap si Jhassy bilang si Natasha at love interest ni Heindrick bilang si Barry.


Tinanong namin si Jhassy na una naming nainterbyu sa online show naming #CelebrityBTS Bulgaran Na kung nag-level up na ba ang ‘relasyon’ nila ngayon ni Heindrick bilang ‘friends’ dahil una silang nagkasama sa Home I Found in You movie.


Aniya, mas close sila ngayon pero friends lang talaga sila. Mas priority daw kasi ni Jhassy ang kanyang studies and career pero natutuwa naman siya dahil marami nga silang napapasaya at napapakilig ni Heindrick sa kanilang tambalan.


Oh, well, watch n’yo na lang ang Roommate para kayo na ang magsabi kung for reel lang ba o for real na ang sweetness sa isa’t isa nina Jhassy at Heindrick.


Kasama rin sa Roommate sina Earnest Beaver Magtalas as Peter, Barry’s alter-ego and hallucination, and MJ Manuel as Steve, Barry’s best friend.


Mapapanood ang kabuuang nine episodes ng Roommate sa official Facebook page ni Direk Gabby Ramos.


 
 

ni Julie Bonifacio @Winner | January 15, 2023



Punumpuno na naman ng mga exciting na kaalaman ang ibinahagi sa amin ng BULGAR resident numerologist na si Maestro Honorio Ong sa pagbasa niya sa kapalaran ng mga sikat nating celebrities (base sa numero ng birthday, planeta at Zodiac signs) na nagdiwang ng kanilang kaarawan ngayong buwan ng Enero.


Nakausap namin si Maestro Honorio sa episode ng online show na #CelebrityBTS Bulgaran Na hosted by Ateng Janice Navida and yours truly sa Facebook page ng BULGAR kahapon (Saturday).


Kabilang sa mga naging topic namin sina Megastar Sharon Cuneta, Toni Gonzaga, Alden Richards, Piolo Pascual at sina Kim Chiu at Xian Lim.


Kamakailan ay nabalita na nagdadalawang-isip si Mega kung itutuloy pa niya ang pagpapatayo ng kanyang mansion sa Silang, Cavite.


Batay sa mga numero ng birthday ni Mega at Zodiac sign niyang Capricorn, mas makabubuti raw sa kanya na ipagpatuloy ang pagpapatayo ng kanyang mansion at sasamahan ng isang partner in life niya na mage-gets ang mood swings niya.


Sadyang ma-emote raw ang mga taong ipinanganak under the Zodiac sign na Capricorn.


No wonder panay ang hugot posts ni Mega sa kanyang social media accounts.


On Piolo, mukhang mananatili pa ring single ang aktor dahil nae-enjoy niya nang husto ang buhay.


At para mag-asawa, kailangan siyang pilitin o “pikutin” ng babae para pakasalan niya ito.


Hala, mukhang may chance ang personal assistant niyang si Moi Bien na nagsabi na kapag umabot na sa 50-anyos si Piolo na wala pang dyowa ay aangkinin na niya ang ama ni Iñigo Pascual.


May pagka-close rin daw ang kapalaran ng Kapuso star na si Alden kay Papa P. Malabo pa raw na maisip ni Alden ang mag-asawa. Nag-e-enjoy din daw kasi si Alden sa pag-aartista at pagbi-business.


And if ever na mag-aasawa siya, ang babaeng under the same Zodiac sign ng kanyang former love team na si Maine Mendoza ang bagay kay Alden.



Lastly, swak na swak daw sa isa’t isa si Toni at ang mister niyang si Direk Paul Soriano. Kaya naman patuloy pa raw na magtatagumpay ang kanilang pagsasama both on personal and professional life.


At nakikita ni Maestro Ong na puwedeng pasukin ni Toni ang politics without her knowing it. “Accidental politician,” kumbaga gaya ni former President Cory Aquino.


Kailangan lang may mag-push kay Toni para pasukin ang pulitika. Kaya kung kami kay P-BBM at mga advisers niya, try to convince Toni na tumakbong senador next election.


Speaking of Maine Mendoza, nalagay sa hotspot ang girlfriend ni Cong. Arjo Atayde sa social media kahapon.


Nag-post kasi sa socmed ang sales associate (SA) ng isang body wellness store sa Singapore ng kanyang experience with Maine. Ayon sa SA, suplada ang fiancée ni Cong. Arjo.


Sinagot ni Maine ang naturang post at tinawag na “bastos at makakapal ang mukha” ng SA at iba pa nitong kasama sa store.


Marami ang nakisimpatya kay Maine after reading her comment. Pero may netizen ang lalo pang nag-reveal ng ‘di kagandahang asal daw ni Maine.


“Haha! G na G lang, Maine? Sa true lang, hindi ka naman talaga approachable, eh. Mga fans mo nga dati, sinisimangutan mo at itinapon mo 'yung ballpen nu'ng nagpa-autograph sa 'yo.”


Whaaat? May ganern?!


 
 
RECOMMENDED
bottom of page