KYO QUIJANO, UMAMING PANSEXUAL, PUWEDE SA GIRL, BOY, BAKLA, TOMBOY!
ni Julie Bonifacio - @Winner | September 27, 2020
Iba naman ang style ng famous vlogger at isa sa mga bida ng super hit na BL series sa YouTube na Quaranthings na si Kyo Quijano. Hindi na siya nagpaliguy-ligoy pa when asked by Ateng Janice Navida, Bulgar's Entertainment editor, sa aming online show na #CelebrityBTS Bulgaran Na kahapon, Saturday (11 AM) kung ano ang kanyang gender preference.
"Hindi po ako straight," diretso niyang sagot. "Uh, I identify myself as pansexual. Hindi ko po alam 'yung specific term, ha, but, hindi po namin ibinabase 'yung pagmamahal namin sa gender. Bale, mas ibinabase namin sa personality. Doon po kami nai-in love. Kahit ano pa po talaga ang gender ng tao, hindi importante sa akin. So, kahit po sa babae, lalaki, straight o hindi, basta love ko," paliwanag ni Kyo.
Mabilis naman ang naging reaksiyon ng mga fans ni Kyo during our live show by posting their comments sa Facebook page ng Bulgar na tanggap nila si Kyo anuman ang kanyang maging gender preference.
Sa true lang, ginulat kami ng maraming fans ni Kyo na nakatutok sa #CelebrityBTS Bulgaran Na kahapon. Eh, kasi naman, may 1.088M ang subscribers ni Kyo sa kanyang personal YT channel. At hindi rin bababa sa 40K ang views ng bawat isang video niya sa YT.
Kaya naman tinanong namin si Kyo kung ano na ba ang nabili niya sa mga kinita niya bilang content creator ng YT.
Kuwento niya, may hinuhulugan siyang condo at mga techie na gamit for vlogging. Next in line na gusto niyang mabili ay kotse at makapagpatayo ng sarili niyang restaurant.
Taga-Molino 4 sa Bacoor City, Cavite si Kyo, pero 'yung condo na nakuha niya ay nasa Kyusi.
Posible raw na ang isang content creator sa YT ay kumita ng P300 K sa isang buwan. But it also depends talaga sa views at pagiging consistent sa pag-upload ng bagong video.
Habang ang Quaranthings: The Series naman ay lampas 100 K na ang subscribers sa YT channel nito na Ride or Die. Ang unang episode ng Quaranthings ay almost 1M na ang views, as of this writing.
Nag-init daw ang mga netizens sa ika-apat na episode ng Quaranthings na ipinalabas last Friday, 9 pm.
Kung bakit? Eh, it's for you to find out sa kanilang YT channel!