ni Julie Bonifacio - @Winner | May 30, 2021
From San Diego, California ay nakausap namin nang live via Zoom ang dating Kapamilya star na si Jaymee Joaquin, na mas kilala ngayon bilang si Jaymee Wins, sa #CelebrityBTS Bulgaran Na!, BULGAR's online talk show, kahapon, Saturday.
Inabot ng dalawang oras ang tsikahan namin ni Ateng Janice delos Santos-Navida (BULGAR's Entertainment editor) kay Jaymee dahil sa sandamakmak na rebelasyon niya and of course, napakasarap talagang katsikahan ni Jaymee.
Baklang-bakla itong kausap lalo na pagdating sa kanyang love life. Pero super-nakakabilib ang kanyang karakter sa pagharap niya at katatagan sa pinagdaanan niya bilang cancer survivor.
Kakaiba ang kuwento ni Jaymee bilang cancer patient in the sense that not once, twice, thrice but four times siyang dinapuan ng nakamamatay na sakit.
Umalis ng Pilipinas si Jaymee noong 2010. Nagpunta raw siya sa Australia nu'ng nagkaroon siya ng break sa Pinoy Big Brother Uplate Live.
"Nu'ng nandu'n ako sa Australia, sabi ko, 'Parang gusto kong mag-try tumira rito kahit one year or two years, sarap tumira rito.' Parang naramdaman ko lang na gusto kong i-try. Parang adventure. Bahala na, ganoon. Walang plano," kuwento ni Jaymee.
Kaya pagbalik niya ng 'Pinas, inayos na niya ang papers niya at nagpaalam sa show. Nag-aral at nakapagtapos siya sa Australia ng kursong Communications and Tourism for one and a half years. Tapos ay nag-explore pa raw siya sa Australia ng ilang buwan bago nag-expire ang kanyang student visa.
Naghanap din siya ng work doon pagkatapos mag-aral. Nag-bar tending daw siya sa gabi at nagbebenta ng damit sa isang retail store 'pag weekend. Normal na normal daw talaga ang buhay niya sa Australia.
"At siyempre, nagka-love life ako doon. Medyo nagkadyowa-dyowa, mga ganu'n. Ganda-ganda ko lang doon kasi (ang) pogi-pogi ng dyowa ko noon. Hahaha!"
Ang tanong namin kay Jaymee, naka-ilan siyang dyowa sa Australia?
"Madami," diretsong sagot ni Jaymee. "Pero 'yung isa, medyo nagkahulugan ng loob. 'Yung isang ex ko doon, nagkatuluyan kami doon nang ilang buwan. Pero bago 'yun, eh, siyempre, landi-landi lang. Siyempre, walang showbiz, walang nakakakilala doon. (Kaya) Tara, todo na! Booking kung booking, ganoon lang. Hahaha!"
And take note, iba-iba ang nationality ng mga nakikilala ni Jaymee doon. Nagkaroon siya ng British na boyfriend, may naka-date na Australian(s) at iba pang guys from European countries.
In short, United Colors of Benetton ito?
"Korek! Collect and select!"
Super na-enjoy daw talaga niya ang buhay sa Australia.
"Oo, kaya nu'ng na-diagnosed ako na may cancer, siyempre, nagbalik-tanaw ako sa buhay ko. 'Masaya na ako sa buhay ko. Okey na ako.' Kasi hindi mo naman masasabi… sasagi sa isip mo na malapit ka nang mamatay, ganu'n."
Year 2016 daw na-diagnosed na meron siyang breast cancer after niyang magpa-check-up. May nakapa raw kasi siyang maliit na bukol sa ibaba ng kanyang left arm. That time, nasa US na si Jaymee.
After Australia kasi ay nagpunta pa sa Spain si Jaymee. Four years siyang tumira ru'n at nagtrabaho bilang teacher. Tapos, nag-travel-travel pa raw siya bago nag-US.
"So, ginawa ko talaga ang plano ko na bahala na si Batman. Titingnan ko na lang kung saan ako mapunta. Walang plano. Walang destinasyon. Lipat lang ako nang lipat. Nagluka-luka talaga ako. So, doon ko masasabi na ang buhay ko, eh, okey na rin kung sakali mang kunin ako. Parang nagawa ko naman 'yung mga inisip ko na gagawin ko. So, puwede na rin. Walang regrets."
Wala raw siyang pinakasalan sa Australia, Spain and in US, pero nagkaroon siya ng Irish boyfriend sa Spain na muntik na silang magsama kaso hindi raw nag-work.
"'Yun 'yung talagang na-brokenheart ako nang sobra, dahil akala ko talaga, eto na 'yung lalaking para sa akin. Talagang cinlaim ko na. Eto na, mag-aasawa na ako. Tapos, hindi nag-work. Nasaktan ako nang sobra."
Na-imagine na raw sana niya ang magiging hitsura ng anak niya na pinaghalong Pinoy at Irish na tiyak ikakatuwa ng parents niya.
Ang reason kaya sila naghiwalay, bata pa raw ang guy na 27 yrs. old lang that time (33 naman siya) at hindi pa handang mag-asawa kaya na-pressure sa kanya.
And now, may boyfriend daw ulit siya, isang Amerikano na nakilala niya through Tinder.
"Yes, (si) Ryan! Nand'yan siya, nasa kabilang kuwarto," kinikilig na sabi ni Jaymee.
Sa beach sa San Diego, California raw ang first meeting nila around September 2020. Dahil kasagsagan ng COVID-19 pandemic, natatakot daw si Jaymee sa indoor kaya sa beach siya nakipag-meet para makita rin ang mukha ni Papa Ryan.
Pero ini-reveal ni Jaymee na during that time, hindi lang si Papa Ryan (Papa Ryan?! Wow! Hahaha!) ang idine-date niya.
"Marami! Oo, ganyan ako. Alam n'yo, you don't put all your eggs in one basket sa una. Ganoon 'yun. Kasi siyempre, aba, wala namang kasiguraduhan 'yan. Dapat ano ka pa, try ka lang nang try hanggang sa… naglalagasan lahat 'yan."
Naging exclusively dating daw sila ni Papa Ryan after Christmas last year. And last Valentine's Day, during their date, napag-usapan nila na maging official na talaga ang relasyon nila. And this month, nagsimula na rin silang mag-live-in sa apartment ni Papa Ryan.
Anyway, after ng two hours na Zoom interview, pinagbigyan kami ni Jaymee na ma-meet si Papa Ryan na nasa kabilang kuwarto lang daw ng apartment.
Grabeee! Pagkaguwapu-guwapo ni Papa Ryan!
Isa raw ang kanyang dyowa sa mga nag-push kay Jaymee na ituloy at tapusin ang pagsusulat sa kanyang libro, ang That Sh*t Called Cancer na tungkol sa kanyang naging journey habang nilalabanan ang breast cancer.
Ang dami-dami pang kuwento ni Jaymee sa exclusive interview namin ni Ateng Janiz sa kanya sa BULGAR's Facebook page, and why she changed her name from Jaymee Joaquin to Jaymee Wins.
Siyempre, kasama sa book ni Jaymee si Papa Ryan na "nagpa-behave" sa kanya after ng more or less 100 guys nga na naka-date niya — local and international 'yan — hahaha!
Taray, 'di ba? Parang libro lang niya na puwedeng mabili internationally and locally.
Available ang That Sh*t Called Cancer sa Amazon, sa ñaperback and ebook. Meron din daw mabibili rito sa 'Pinas sa direct selling or e-mail vooksbyjaymee@yahoo.com. Magre-respond daw siya at aayusin nila kung paano makakuha ng kopya na walang shipping fee.
Nakikipag-negotiate na rin daw siya sa isang major bookstore para doon mabili ang That Sh*t Called Cancer.