top of page
Search

ni Julie Bonifacio - @Winner | July 05, 2021



Hanga si Abby Viduya sa kanyang partner na si Jomari Yllana sa pagiging public servant nito bilang kasalukuyang konsehal ng Parañaque City.


Nakita ni Abby ang labis na concern ni Jom sa kanyang mga constituents nitong pandemic.


Most of the time ay nasa labas daw si Jomari at tsinetsek ang pangangailangan ng kanyang mga kadistrito.


“‘Yung concern niya for other people and to his constituents, iba. Iba, eh. He’s able to multi-task. He’s very, very good. I’m so proud of him. He has really good multi-tasking abilities. ‘Yun ang nakikita ko sa kanya. We’re together always naman,” pahayag ni Abby sa aming panayam sa kanya ni Ateng Janiz Navida, BULGAR’s Entertainment editor, sa #CelebrityBTS Bulgaran Na na napapanood nang live every Saturday, 11 AM sa BULGAR’s Facebook page.


Saludo rin si Abby kay Jom bilang ama. Nakakasama raw kasi nila ang panganay ni Jom na si Andre Yllana kay Aiko Melendez.


“Na-meet ko na si Andre, but the little ones, hindi pa. Yeah, si Andre, nakakasama namin. Mabait na bata. He’s a really, really good son to Jom. Nakakasama namin siya sa Manila. Once in a while, dumadalaw sa daddy niya. Super-bait. Wala akong masabi,” paglalarawan ni Abby.


With regards to Andre’s mom, wala raw silang problema ni Aiko.


“Oh, yeah. Wala kaming problema. Ang ganda ng pagpapalaki niya kay Andre. But I haven’t seen her yet since I came back in the Philippines. Back in the day, we have common friends. Nagkakasama kami. We don’t have issues with each other.”


Na-meet na rin daw ni Jom ang mga anak ni Abby sa Canada through video call. Tatlo ang anak ni Abby - two girls and one boy - while si Jom ay tatlong lalaki.


“Actually, the last nag-video call sila, they call him Tito Jom. My kids like him,” masayang kuwento ni Abby.


May project na gagawin si Abby sa GMA-7, ang Lolong kung saan mag-i-start na siya ng locked-in taping sa Quezon Province for one month starting July 6.


Kinukuha rin ng Kapuso Network si Aiko sa mga serye nila kaya may chance na magkasama sila sa isang proyekto.


Aniya, “Well, that’s okay. Ano na ‘yun, eh, past ‘yun ng life niya. Wala akong problema sa ganyan.”


Ang isa pang ex-girlfriend ni Jom at bagong kasal na si Ara Mina ay nakasama na ni Abby sa Kapamilya action-serye na Ang Probinsyano.


Natawa naman si Abby sa posibilidad na magkasama-sama sila nina Aiko at Ara (wow, triple ‘A’ pala ang mga past and present showbiz partners ni Papa Jom, ha?) sa isang proyekto.


“Hahaha! Actually, for me, I don’t have a problem, eh. I could be friends with them because that’s in the past. Wala akong isip na ano, anything bad.


“Siguro kasi, at this age, wala na ‘yan, eh. Everyone’s happy with their lives like... nakikita ko naman.


“I actually congratulated Ara when she got married, yeah. Naging friends kami. Nagkasama kami sa Ang Probinsyano actually.


“Yeah, nagkaabot kami. Nagkakuwentuhan kami. And she’s like, ‘Oh, I’m so happy that you guys are together.’ Ganoon kami (ni Ara). Ayun,” lahad ni Abby.

 
 

ni Julie Bonifacio - @Winner | July 04, 2021




Solid as a rock ang ibinigay na description ni Abby Viduya sa relasyon nila ng kanyang ‘puppy love’, ang aktor at Parañaque City Councilor na si Jomari Yllana.


Pinatibay ng labis na pagmamahal at mas mataas na level ng maturity ang relasyon nila ngayon.

Knows naman ng publiko na naging magsyota ang dalawa noong dekada '90. Nasa 14 o 15 pa lang ang edad ni Abby that time.


Ayon kay Abby a.k.a. Priscilla Almeda, umabot daw sa isang taon ang relasyon nila ni Jom noong mga bata pa sila. Pero dahil parehong papaangat pa lang ang career nila noon kaya sila nagkahiwalay.


Eksklusibo naming nakausap si Abby sa #CelebrityBTS Bulgaran Na! with Ateng Janiz Navida, BULGAR’s Entertainment editor, sa Facebook page and YouTube channel ng BULGAR last Saturday.


Pag-amin ni Abby, first love nga nila ni Jom ang isa't isa, at hanggang sa nagkani-kanya na rin sila ng love life at nanirahan na sa Canada si Abby with her new family, hindi naman daw tuluyang nawala sa puso niya si Jom.


Thanks to Facebook, nag-reconnect sina Abby at Jomari. Nakapag-catch -up daw sila with each other as friends.


After couple of years, na-rekindle ang love nila sa isa’t isa. Until Abby decided to comeback sa 'Pinas para kay Jom at bigyan ulit ng chance ang sarili sa showbiz.


Nasa Bicol si Abby habang kausap namin via Zoom. Almost every week ay umuuwi raw sila ni Jom sa Bicol. Taga-Naga City ang pamilya Yllana at may inaayos daw na mga lupain du'n sina Jom at Abby.


Pinuna namin ang suot na diamond ring ni Abby during our interview, pero nilinaw niyang hindi 'yun engagement ring, bagkus ay “protection ring” daw mula sa mga negatibong bagay.


Regarding sa kasal, inamin ni Abby na napag-uusapan na raw nila ni Jom ang tungkol dito. Pero wala pa raw sa isip niya kung ano, saan at kailan ang wedding nila ni Jom, if ever.


Never daw kasing pinangarap ni Abby ang kasal sa buong buhay niya.


Samantala, natanong din ni Ateng Janiz si Abby kung may plano pa rin ba silang magkaanak ni Jomari bukod sa tig-tatlo nilang anak sa kani-kanilang ex-partners.


Sagot ni Abby, at their age na medyo tumatanda na, kung ibibigay ni Lord ay welcome naman sa kanila, pero right now, hindi raw ito ang top priority nila.


Ibinulgar kasi sa amin ni Abby na balak tapusin ni Jomari ang kanyang third term as councilor sa Parañaque sa 2022 elections kaya 'yun muna raw ang uunahin nito samantalang siya ay balik-acting via GMA-7 series na Lolong na pagbibidahan ni Ruru Madrid.


Sa July 6 na raw ang simula ng locked-in taping nila sa Quezon at excited na si Abby na umarte uli dahil matagal-tagal na rin simula nang huli siyang mapasama at lumabas sa serye ni Coco Martin na Ang Probinsyano.


So, 'yun na!




 
 

ni Julie Bonifacio - @Winner | June 25, 2021




Labis na nalungkot ang maraming celebrities sa pagkamatay ni dating Presidente Noynoy Aquino. Ang iba ay nagulat sa biglang pagyao ng nag-iisang brother ni Kris Aquino.


Sa kanyang Instagram account, nag-live si Kris kasama ang kanyang mga ate na sina Ballsy, Pinky and Viel. Dito naglabas ng official statement ang magkakapatid na Aquino sa pagkamatay ni ex-P-Noy.


Bago pa nag-pandemic, labas-pasok na pala si Noynoy sa ospital. Todo-tutok sa pagbabantay sa kanya ang mga kasama niya sa bahay sa Times St. sa Kyusi. Dahil siguro knows nila ang kondisyon ni P-Noy na delikado na mahawahan ng COVID virus.


Simple pero puno ng emosyon ang inilagay na caption ni Kris sa ipinost niyang live video para sa official statement ng pamilya Aquino.


“We love you Noy,” caption ni Kris.


Isa sa mga pinakaunang nag-post ng pakikiramay sa magkakapatid na Aquino ay ang singer/composer at presidente ng OPM na si Ogie Alcasid.


“Paalam, Sir P-Noy. Paalam. Lubos na pakikiramay sa iyong mga mahal sa buhay - Kumareng Kris, Ballsy, Pinky at Viel at sa buong angkang Cojuangco-Aquino. Napakalungkot na araw,” post ni Ogie.


Last time na nainterbyu namin si Ogie sa #CelebrityBTS Bulgaran Na ay napag-usapan namin si former President Noynoy. Naikuwento ni Ogie na naging malapit na kaibigan niya si P-Noy. May mga dinner or meeting na sila lang ni Dingdong Dantes ang kasama nito.


Sa sumunod na post ni Ogie sa kanyang socmed account, sinariwa niya ang pagiging part ni P-Noy sa wedding nila ni Regine Velasquez.


"Si P-Noy ay naging abay sa aming kasal at magmula noo’y nabuo ang isang pagkakaibigang tunay at tapat. Napakaraming salu-salo na nauuwi sa kantahan sapagka’t napakahilig niya sa musika. Kapag nabibisita namin siya ay laging nagpapatugtog ng mga paborito niyang CD.


"Sa mga nagdaang taon, walang patid ang kumustahan sa text lalo na tuwing may espesyal na okasyon. Noong pumanaw ang aking ama, isa siya sa 'di nakalimot na mag-abot ng pakikiramay.


"Nitong mga huling araw ay tuloy pa rin ang aming komunikasyon. Labis na labis ang kalungkutang bumabalot sa akin sa iyong pagpanaw, Sir P-Noy. Napakapalad ko, Sir P-Noy na ako ay tinawag mong kaibigan. Pahinga na po kayo, Sir. Mahal ka namin,” caption ni Ogie sa wedding picture nila ni Regine kasama si P-Noy.


Inihayag din ng It’s Showtime host na si Vice Ganda sa kanyang Twitter account ang kalungkutang nadama sa biglang pagpanaw ni P-Noy.


“Today is a sad day as we are all shocked by the untimely death of former President Noynoy Aquino. I am one with every Filipino as we grieve and mourn his unexpected death,” tweet ni Vice.


Nagpahatid din ng pakikiramay si Vice para sa Aquino family.


“My heartfelt condolences to the Aquino Family. Godspeed P-Noy and Rest In Peace.”


Sa dami naman ng mga celebs na nag-post ng larawan nila with P-Noy nu’ng nabubuhay pa, kakaiba rin ang post ng Kapamilya news anchor na si Karem Davila.


Ipinost kasi ni Karen ang piktyur nila ni P-Noy with her son na si Lucas na natutulog habang nakatayo.


“I only covered former President Aquino once. I was assigned to ride the van with him during the campaign period in 2010. I just knew him as Kris’ brother when we were in school. This photo was taken in 2014 at a birthday party. My son Lucas kept sleeping! Rest in peace, P-NOY,” tweet ni Karen.


Comment ng isang netizen sa post ni Karen sa Twitter, "Malulungkot sana ako dito dahil kay Pangulong NOY, pero natawa ako sa nakatayo na natutulog."


"Very cute sleeping skillz tho."


'Yun na.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page