ni Julie Bonifacio - @Winner | December 21, 2021
At 15, achiever na agad ang baguhang artista na si Jhassy Busran. Bukod sa pagiging salutatorian sa school, winner na agad si Jhassy not one, but two international acting awards para sa first short film niya titled Pugon with veteran actor Soliman Cruz sa direksiyon ni Gabby Ramos.
Napanalunan ni Jhassy not just the Best Actress trophy kundi ang jury’s Best of the Best Award sa Manhattan International Film Festival this year para sa performance niya sa Pugon.
On the said short film, pinarangalan din si Jhassy bilang Best Child Actress sa Gully International Film Festival & Awards in India.
Kuwento ni Jhassy nang mag-guest siya sa #Celebrity BTS Bulgaran Na at makapanayam namin ni Ateng Janice Navida two Saturdays ago, nagulat siya dahil wala siyang kaalam-alam na nanalo siya ng award.
“Ang tagal po nag-sink-in sa isip ko. Natulala lang po ako, ‘Nanalo ako?’
“Binabati nila ako pero hindi pa po talaga nagsi-sink-in sa utak ko ‘yun nu'ng mga oras na ‘yun.
Hanggang nasa sasakyan na po kami ng Mommy ko, hindi pa rin ako makapaniwala na nanalo ako na Jury's Best of the Best pa po and international filmfest pa po, kaya sobrang saya ko po,” kuwento ni Jhassy.
Hitting two birds in one stone itong si Jhassy sa short film nila na Pugon na tumatalakay sa child labor.
Of course, sino ba naman ang ‘di maha-happy na manalo ng dalawanng international awards, 'noh? ‘Yung isa nga lang, super duper big honor na, dalawa pa kaya?
And then, kasama rin si Jhassy sa first local film na ipinalabas sa mga sinehan nitong pandemic, ang Caught In The Act ni Direk Perry Escano last December 15.
“Masaya po ako pero nakaka-pressure. ‘Yun nga po, first Filipino film na ipinalabas ngayong pandemic po or kahit na po tapos ang pandemic, sana po, hehe."
Ngayon pa lang ay may kasunod na raw na pelikulang gagawin si Jhassy after Caught In The Act.
“Meron po, pero hindi ko muna sasabihin kung ano. Ayoko pong mag-spoil. Pero yes po, may bago akong pelikula. Magsu-shoot na po ako very, very soon.”
Her most challenging role na gusto niyang gampanan ay ‘yung may kapansanan.
“‘Yung may down-syndrome, ADHD. Kasi, gusto kong ma-feel ‘yung napi-feel nila.”
Pero gusto rin niyang gumawa ng horror film in the near future.
“Gusto ko pong ma-try gumawa ng horror. Kasi po matatakutin po ako. Gusto ko pong anuhin ang fear ko.”
Sa kabila ng mga nakuha niyang karangalan, same pa rin daw ang pag-uugali ni Jhassy at hindi lumaki ang ulo.
Next year, looking forward na kami na makita si Jhassy sa taunang Film Ambassador’s Night ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) kung sakaling magkakaroon.
Hindi na kami magugulat kung isa si Jhassy sa mga sisikat sa showbiz sa 2022. Biro nga namin kay Jhassy, maging ready na siya once na ipantapat siya kay Jane de Leon na lilipad na bilang bagong “Darna” next year.
“Hala,” sagot ni Jhassy. “Si Miss Jane de Leon po kasi, matagal na rin po siya. May ano po siya, nasama na po siya sa Ang Probinsyano at ito nga pong Darna. Masabi lang po na may hawig ako sa kanya, sobrang nakakatuwa na po. Pero hindi ko po alam, hahaha! Pero ready naman po ako kung mabibigyan din ako ng mga roles na katulad sa kanya. And, mapapag-aralan naman po ‘yun, mapaghahandaan.”
Idol daw niya si Kathryn Bernardo.
“Ina-idolize ko po sa ganitong path na ‘to si Miss Kathryn Bernardo. Pero, hindi ko naman po sasabihin na gusto kong maging Kathryn Bernardo tulad niya. Kasi gusto ko na magkaroon po ako ng sarili kong name, hindi po ‘yung susunod na Kathryn Bernardo. Gusto ko po, ako ‘yung unang Jhassy Busran.”
Dream din pala ni Jhassy ang makapasok sa Pinoy Big Brother house.
“Sumasagi po sa isip ko na mag-audition for a reality show like before po, pangarap ko po na makapasok sa Bahay ni Kuya. Eh, kaso po ang age ko noon, bata pa po, eh. Sabi ko, hindi pa ako puwede. Ngayon po, merong teen edition po. ‘Yan po, balak ko pong mag-try. Wala namang masamang mag-try, ‘di ba po? Malay po natin. Kung hindi man mapagbigyan, marami pa pong opportunities na darating."
True!