ni Nitz Miralles @Bida | September 16, 2024
Mukhang hindi lang sa fashion show ni Carolina Herrera sa New York Fashion Show (NYFS) ang gustong i-issue kay Pia Wurtzbach. May reels post ito na nasa Grand Central Terminal siya rumampa at may agad nag-comment ng “Did she just copied Liza (Soberano) with her reels?”
May sumagot agad ng “The digital creator did it. So negative! Why don’t you just be proud of our beauty queen?”
Sinundan pa ng isang pro-Pia comment na, “‘Yan na naman! Umandar na naman pagka-negatron!!! You’re not welcome here, du’n ka sa kampo mo.”
Nakakaloka! Lahat ng galaw ni Pia, talagang may mga nakabantay. Pero, paano ‘yun at nag-comment si Liza ng “Soooo pretty” sa reels post na ito ni Pia?
Pansin din na ginawa na lang comedy ng mga fans ni Pia Wurtzbach ang isyu sa Carolina Herrera, pinagtatawanan na lang nila.
Well, paano rin ‘yung bagong post ni Pia na naka-tag ang Carolina Herrera at ginamit pang hashtag ang #CarolinaHerreraSpring25? Parang Carolina Herrera rin ang red dress niyang suot, ibig sabihin,welcome pa rin siyang magsuot ng Carolina Herrera creation kahit may isyu sa kanya.
GUSTO yata nina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado na maging gymnast ang daughter nilang si Dylan dahil ngayon pa lang, itine-train na ang bagets. Nag-post ng reels si Jennylyn na nasa Gym Lab si Dylan at tinuturuan ng basic gymnast moves na bagay sa kanyang edad.
May caption ito na, “WARNING: Cutest gymnast in town. Ta-daaa!” ang post ni Jennylyn na kabilang sa mga nag-like ay si Dennis.
Well, ang positive ng mga comments ng mga followers ni Jennylyn, maganda raw na hangga’t bata pa ay itine-train na si Dylan at malay nga naman nating lahat, maging future gymnast champion siya.
Nakakatuwa sina Jennlyn at Dennis dahil kapag wala silang commitment, focused sila kay Dylan. Tuloy pa ang taping ni Dennis ng Pulang Araw (PA) at nagsu-shooting na rin siya para sa MMFF entry na Green Bones (GB), kaya kapag may time, inilalabas nila si Dylan.
Samantala, ang hindi masagot na tanong kay Jennylyn ay kung kailan siya magre-renew ng contract sa GMA Network? Tila wala pang paramdam ang magkabilang kampo, para raw sana magkaroon na ng bagong series si Jennylyn Mercado.
Grabeng level up dahil sa SB19…
STELL, FAST FOOD CREW DATI, ENDORSER NA NGAYON
DATI palang McDonald’s crew si SB19 member Stell Ajero bago siya naging member ng sikat na P-Pop group. Binalikan nito ang araw na nagtatrabaho siya sa McDo sa pa-fan meet ng fast food chain dahil endorser na rin ng McDo Chicken ang SB19.
Kuwento ni Stell, “Naging crew ako ng McDonald’s before nu’ng college po ako. Grabe ‘yung 360 (degree turn) from crew tapos ngayon endorser ng McDo.
“Every time po na binabalikan ko talaga ‘yung memory na ‘yun, naaalala ko lahat ng hardships, lahat ng mga nangyari sa ‘kin before.”
Dagdag pa nito, “And now, looking at it, ‘yung store ng McDo, parang ang daming memories na bumabalik.”
Ang layo na nga ng narating ni Stell at ng SB19, ilang hit songs na ang nai-produce nila at ilang sold-out concerts na ang ginawa ng grupo here and abroad. Ang maganda pa, they are allowed to pursue a solo career. Kaya, may sarili silang identity.
Sina Stell at Pablo (ng SB19 pa rin) nga ay napapanood bilang coaches sa The Voice Kids (TVK) na umeere sa GMA-7. Dahil pinangarap din ni Stell na pasukin ang acting, ‘wag tayong magulat kung isang araw, mapanood natin siya sa isang TV series o kaya’y sa pelikula.
MATUTUWA nito si Quezon City (QC) Councilor Alfred Vargas dahil sa balitang ang afternoon prime ng GMA-7 na Forever Young (FY) na kasama siya sa cast ang ipapalit sa magtatapos na Abot-Kamay na Pangarap (AKNP).
The last time na nakausap ng press si Alfred, hindi pa nito alam kung kailan ang airing ng nasabing series na maganda raw at sana, mapanood dahil may sakit na tatalakayin.
Matagal na raw silang nagte-taping, hinahanapan na lang ng time slot at heto, nahanapan na nga. Gaganap siyang ama ng child actor na si Euwenn Mikaell Aleta at asawa naman niya si Nadine Samonte. Maganda ang story at magagaling daw ang kasama niyang cast.
Bongga ‘di ba? hindi pa rin iiwan ni Alfred ang showbiz kahit tuluy-tuloy ang pagiging public servant niya.
Nabanggit nito na sa pagka-konsehal pa rin siya tatakbo sa darating na eleksiyon, kaya pagka-congressman pa rin ang tatakbuhin ng brother niyang si Rep. PM Vargas who is doing a great job daw.