ni Nitz Miralles @Bida | May 27, 2023
Pati mga celebrities, na-excite at natuwa sa balitang muling magtatambal sa pelikula sina John Lloyd Cruz at Sarah Geronimo under Viva Films.
Noong isang araw, nagkita sa opisina ng Viva ang dalawa. May picture sila together at ipinost ito ng Viva Artist Agency sa kanilang Instagram account at ini-repost din ni Sarah sa IG niya.
Sa caption ng VAA na: "LOOK: Our #AshLloyd hearts! @justsarahgph and John Lloyd Cruz in a new movie together? YES!!!" nagkagulo na ang lahat.
Si Sarah nga, emojis pa lang ng dalawang kamera at isang emoji na orasan ang ipinost sa social media, umani na agad ito nang ilang libong komento mula sa mga fans.
Isa sa mga unang nag-comment si Yayo Aguila at ang sabi nito, "Whoa!!! @vivaartistagency!"
Nag-comment din si Miles Ocampo ng three emojis ng mukha na may red heart.
Pati ang Kapuso actress na si Daiana Menezes, naki-comment.
Si Sandra Aguinaldo ng GMA-7, tinawag pa sina John Lloyd at Sarah na Miggy and Laida, ang mga karakter ng dalawa sa tatlong pelikulang kanilang ginawa.
Sa sobrang excited ng mga fans, nagkayayaan na ang mga ito na manood ng shooting, maging present sa mga mall tours at plano rin nilang paulit-ulit na panoorin ang pelikula.
As of now, wala pang inia-announce na title, kung sino ang director at iba pang kasama sa cast ng movie. Basta masaya at nagpapasalamat ang mga fans sa Viva, pati na rin kina Sarah at John Lloyd na pumayag na uli silang gumawa ng pelikula.