top of page
Search
BULGAR
Oct 13, 2021
BULGAR
Oct 27, 2020
Nagbayad para mag-number one sa survey, wit isinasama ang magagaling na kasamahana para kunwari malakas sa madlang pipol
@Kabit-Kabitz | October 27, 2020
Hello, mga kachika! Ready na ba kayo sa pasabog natin ngayong linggo? Kapit lang at sabay-sabay nating pagkabit-kabitin ang buhay ng ating mga bida. Simulan natin sa isang solon na kilala sa pagiging mabait.
Mister Zurvey
Kamakailan ay lumabas ang survey tungkol sa mga posibleng manalo sa susunod na eleksiyon sa mga chubabells at numero uno si MISTER ZURVEY. Marami ang hindi nagtaka dahil betching ito ng mga kasamahan dahil sa pagiging mabait sa lahat. Pero ang ‘di knows nang madlang pipol, kaya pala siya nanguna sa survey ay binayaran niya ito upang lumabas ang namesung sa itaas. At sey n’yo, wit nito isinama sa pa-survey ang mga siguradong malalakas at makakatalo sa kanya sa pagiging number one. Ganern?
Johnny Ehersisyo
Ka-tropa ni MISTER ZURVEY si JOHNNY EHERSISYO. Mula nang na-Lotlot de Leon last election ay nagpaka-busy nalang ito sa social media at sa mga bago nitong hobbies na pagmo-motor at pagbibisikleta. Meron na rin itong show sa radio station kung saan siya ay co-host. Marami ang nananalangin na manalo ito sa susunod na eleksiyon dahil masipag siya. Mukhang pasok ito sa jar, huwag lang umeksena muli si Kuya. Matindi rin ang sibling rivalry ng dalawang ito at wala talagang gustong magbigay. Ano kayang sey ni pudra sa ganap ng dalawa niyang junakis?
Kiko Gamora
Dating magkakampi sa pulitika ang pamilya nina JOHNNY EHERSISYO at KIKO GAMORA. Nag-umpisa ang bangayan nang labanan ni KIKO GAMORA ang mudrakels ni JOHNNY EHERSISYO. Olats man ito sa unang tangka nito ay nagwagi rin ito sa pangalawang beses nang talunin nito sa pagka-alkalde ang pamangkin ni JOHNNY EHERSISYO. Sorpresang nagkita ang dalawang ito habang nagbibisikleta malapit sa mall sa kanilang siyudad. Ayon sa dalawa ay nagkachikahan sila at mukhang enjoy sila sa pagkikita. Ayan, ganyan nga. Tigil ang pulitika at magplastikan muna. Charot!
Comm. Bokal
Mahilig sa basketball si Mayor KIKO GAMORA tulad nitong si COMM. BOKAL. Parehas sumabak sa pulitika ngunit magkaiba ang kanilang kapalaran. Na-lotlot kasi si COMM. BOKAL nang muli itong tumakbo sa ikalawang pagkakataon na manatili sa kanyang posisyon. Mukhang mas bagay ito sa basketball kaya bumalik nalang ito sa kanyang pers lab. Aysus! Nabalot naman ng kontrobersiya ang ligang pinamumunuan nito nang biglang nagpositibo sa COVID-19 ang isa sa mga referees ng liga. Nagulantang ang Earth sa balita pero sey niya ay false positive raw ito at waley dapat ikabahala ang mga utaw. Ano kaya ang totoo?
Binsoy Dasyon
Isa sa mga proyekto ni BINSOY DASYON ang pa-liga ni COMM. BOKAL. Maraming bilib sa bagong boy wonder ng administrasyon dahil sa talino nito at abilidad. Pero ang chika ng mga bubwit ay kaya raw nakaupo sa puwesto nito ay dahil sa lihim na relasyon nito sa isang mambabatas na dati niyang amo. How true kaya itey? Kilala ang boss nitong mambabatas sa pagiging balimbing sa kapit-tuko sa puwesto. Knows kaya nang kanilang mga misis ang kanilang itinatagong relasyon? ‘Kaloka!
Jewella Salvacion
Kung nagtungo noon si BINSOY DASYON sa London upang mag-aral ay iba naman ang sadya ni JEWELLA SALVACION upang itago ang pagjojontis nitey. Doon naninirahan at lumaki ang poging jowa nito. Marami ang nanghuhula kung talagang jontis ang dalaga. At dahil siguro sa sobrang excited ni jowa ay bigla itong napa-post sa social media ng larawan ng babaeng nasa hospital at isang baby. Nanganak na nga kaya siya? Kung ibabase sa mga larawan ay mukhang trot ang balita. Sey ng netizens ay mukhang sinadya itey para sila’y mapagusapan. KSP lang, ‘teh?
High-me Pula
Tulad ni JEWELLA SALVACION, tila sabik din ang fans si HIGH-ME PULA na makita ang binata. Wala na kasi masyadong balita sa kanya mula nang nakipaghiwalay ito sa kanyang jowa na kanya ring ka-love team. Kaya palaging gulat ng mga utaw nang bigla nalang ito um-appear sa event bilang kinatawan ng ahensiya ng gobyerno. Pero ang shock ng netizens ay nang kapansin-pansing tila lutang at parang sabog ang aktor. How true kaya ang chikang gumagamit siya ng bawal na gamot? Marami na rin ang nagrereklamo noon dahil palagi siyang late o absent sa kanyang mga commitments. Naku, kyah, sabi nga nila opportunity knocks only once. Drugs pa more. Chos!
Ms. Umasa
Matagal din tumagal ang relasyon nina HIGH-ME PULA at MS. UMASA bago sila nagdesisyong tuluyan nang maghiwalay. Nananatili raw silang friendship. Chikadora! Pero knows n’yo kung bakit bigla nalang nagpasyang maghiwalay ang dalawa. Ang chika ay hindi na kinaya ni MS. UMASA ang lifestyle ng kanyang ex-jowa kaya nagpasya itong tapusin ang relasyon. Asado si ate girl na magbabago ang binata nang dahil sa kanya. Masyado kang ilusyonada, ‘teh. Pero mukhang bumabawi na ang ex-jowa at todo-promote sa single ni MS. UMASA. May chance kayang magkabalikan ang dalawa o baka asado na naman siya? Abangan!
Elisa Sobrang ganda
Tulad ni MS. UMASA ay nagkatotohanan din si ELISA SOBRANG GANDA at ang kanyang ka-love team partner. Kilala ang dalaga sa kanyang kabaitan at kagandahan. In fairness, kinabog niya lahat nang kasabayan sa ichura. ‘Teh, walang ka-level! Pero tila nababalot ng kontrobersiya ang dalaga sa ngayon dahil tinawag itong supporter ng NPA. ‘Kaloka! Crayola ang dalaga dahil nasaktan daw ito sa mga naging pahayag tungkol sa kanya. Kashokot!
Reynang Pusa
Hindi nag-iisa si ELISA SOBRANG GANDA na tinawag na komunista. Dinawit din sa isyu si REYNANG PUSA dahil sa parehong rason. Nakakashokot na talaga ngayon. Pero mukhang kebs lang naman ang dalaga at patuloy lang sa kanyang mga ganap in life. Isa siya ngayong TV host sa noontime show kabilang ang mga sikat na artista. Maraming nagsasabing hindi sila natutuwa sa pagho-host ng beauty queen dahil mukhang wit nito knows ang dapat gawin. Pero ‘di bale, mukhang pabibo at makapal ang fez niya kaya hindi ito papatinag sa bashers. Kung kineri nitong manalo sa international beauty pageant, baka maniin lang nito ang pagho-host. Ano kaya ang sey ni MISTER ZURVEY sa pagho-host ng beauty queen na isa sa mga nangunang bigyan ito ng parangal nang maiuwi nito ang korona. Proud pa rin kaya siya sa kapalpakan nito bilang host? Charot!
RECOMMENDED
bottom of page