ni Zel Fernandez | April 20, 2022
Kulang dalawang linggo na lamang bago ang coronation night, ipinasilip na ng Miss Universe Philippines Organization ang bago nitong korona na mala-‘Pearl of the Orient’ ang dating.
Kasama sina Miss Universe Philippines 2021 Beatrice Luigi Gomez at Miss Universe Philippines National Director Shamcey Supsup-Lee, ini-reveal ng international luxury brand Jewelmer executives ang bagong korona sa Miss Universe Philippines Gala Night sa Hilton Manila.
Sa isang post sa Facebook page ng MUPH organization, ibinahagi na ang La Mer en Majesté Crown ay inspired umano mula sa mga karagatan ng Pilipinas at ng national gem nito na golden South Sea pearl na sumisimbolo sa ‘harmonious relationship’ ng mga tao sa kalikasan at sumasalamin sa katangian ng mga Pinoy.
Pahayag pa ng organisasyon, “The Miss Universe Philippines Organization and Jewelmer envision this crown as an homage to her majesty, the sea, for she is the queen of the elements. Generous and powerful, she provided the world with this precious gem and contributed the crowned jewel to this exceptional masterpiece, the illustrious Miss Universe Philippines Crown”.
Ang La Mer en Majesté Crown ang magiging pangalawang korona para sa pageant’s franchise, matapos ang “Filipina” crown na inilabas noong 2020.
Sa April 30 gaganapin ang Miss Universe Philippines 2022 Coronation Night, alas-7 ng gabi sa SM Mall of Asia Arena.