ni Lolet Abania | October 12, 2020
Lumabas na ng Philippine area of responsibility (PAR) ang Tropical Depression Nika bandang alas-11 ng umaga ngayong Lunes, ayon sa PAGASA.
Sa 24-oras na forecast ng ahensiya, huling namataan ang TD Nika sa layong 520 km sa kanluran ng Sinait, Ilocos Sur dakong alas-4 ng hapon kanina.
Kumikilos ito sa bahaging kanluran pakanluran ng 20 km kada oras at may lakas na hangin na 65 kph malapit sa sentro at bugsong aabot hanggang 80 kph.
Gayundin, tinatayang magiging severe tropical storm ang TD Nika na magla-landfall sa Hainan Province sa Southern China bukas ng hapon o gabi.