ni Thea Janica Teh | October 15, 2020
Tuluyan nang lumabas ng Luzon ang bagyong Ofel ngayong Huwebes at magiging low
pressure area na lamang pagdating sa West Philippine Sea sa darating na 12 hanggang 24 oras, ayon sa PAGASA.
Huling namataan ng PAGASA ang bagyong Ofel sa Lubang, Occidental Mindoro at papunta ng west northwestward sa 20 kilometers per hour. Mayroon itong maximum wind na 45kph hanggang 55 kph.
Patuloy pa rin ang pag-ulan sa ilang bahagi ng Cagayan Valley, Cordillera at Central Luzon dahil pa rin sa bagyong Ofel.
Samantala, nakataas pa rin sa tropical cyclone wind signal (TCWS) No. 1 ang mga
sumusunod na lugar:
• Metro manila
• Batangas
• Laguna
• Cavite
• Rizal
• Bataan
• Northern at central portion ng Quezon kabilang ang Real, Mauban, Sampaloc,
Tayabas City, Pagbilao, Lucban, Lucena City, Sariaya, Candelaria, Tiaong, Dolores, San
Antonio, General Nakar at Infanta.
• Northern portion ng Occidental Mindoro kabilang ang Mamburao, Abra de Ilog,
Paluan at Santa Cruz.
• Northern portion ng Oriental Mindoro kabilang ang Puerto Galera, San Teodoro,
Baco, Naujan, Naujan Lake, Victoria at Calapan City.