ni Lolet Abania | October 31, 2020
Nananatili ang lakas ng Bagyong Rolly habang papalapit ito sa bahagi ng Bicol Region, ayon sa Severe Weather Bulletin na inisyu ng PAGASA ngayong Sabado nang umaga.
Sa naiulat ng PAGASA kaninang alas-4 ng umaga, namataan ang Bagyong Rolly sa layong 655 kilometro silangan hilagang-silangan ng Virac, Catanduanes na may maximum sustained winds na 215 kilometro kada oras malapit sa sentro, may bugso ng hangin ng hanggang 265 kph at kumikilos pakanluran ng 20 kph.
Inaasahan din na maging super typhoon ang naturang bagyo. Magdadala ang Bagyong Rolly ng mahina hanggang katamtaman at malakas na pagbuhos ng ulan sa buong Central Visayas, Negros Occidental, Leyte, Southern Leyte, Palawan kabilang ang Cuyo Islands, Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, Caraga at Sulu Archipelago na mararamdaman ngayong umaga hanggang Sabado nang gabi.
Malalakas na pagbuhos ng ulan ang mararanasan sa buong Bicol Region, CALABARZON, Metro Manila, Central Luzon Marinduque at hilagang bahagi ng Occidental at Oriental Mindoro sa Sabado nang gabi hanggang sa Linggo nang umaga.
Magdudulot ng katamtaman hanggang sa malakas na buhos ng ulan sa buong Cagayan, Isabela, Nueva Vizcaya at Quirino. Inaasahan ang mga pagbaha, pagkakaroon ng landslides at posibleng pagragasa ng lahar dahil sa malalakas at sunud-sunod na buhos ng ulan lalo na sa mga lugar na mataas ang tsansa na maranasan ito.
Gayunman, nag-isyu na ang Philippine Institute of Seismology and Volcanology (PHIVOLCS) ng lahar warning sa ilang lugar sa Luzon kagabi.
Naglabas na rin ang PAGASA ng Tropical Cyclone Wind Signal (TCWS) No. 2 sa mga sumusunod na lugar:
• Catanduanes
• Silangang bahagi ng Camarines Sur (Caramoan, Garchitorena, Lagonoy, Tinambac, Siruma, Presentacion, San Jose, Goa, Buhi, Sagnay, Tigaon, Ocampo, Iriga City, Baao, Nabua, Bato, Balatan, Bula, Pili, Calabanga, Naga City, Bombon, Magarao, Canaman, Gainza, Milaor, Camaligan, Minalabac),
• Albay
• Sorsogon Mararanasan naman ang TCWS No. 1 sa mga sumusunod na lugar: Luzon • Camarines Norte
• Natitirang bahagi ng Camarines Sur
• Masbate kabilang ang Ticao at Burias Islands
• Quezon kabilang ang Polillo Islands
• Rizal
• Laguna
• Cavite
• Batangas
• Marinduque
• Romblon
• Occidental Mindoro kabilang ang Lubang Island
• Oriental Mindoro
• Metro Manila
• Bulacan
• Pampanga
• Bataan
• Zambales
• Tarlac
• Nueva Ecija
• Aurora
• Pangasinan
• Benguet
• Ifugao
• Nueva Vizcaya
• Quirino
• Southern portion ng Isabela (Aurora, Luna, Reina Mercedes, Naguilian, Benito Soliven, San Mariano, Palanan, Dinapigue, San Guillermo, Echague, San Agustin, Jones, Cordon, Santiago City, Ramon, San Isidro, Angadanan, Alicia, Cauayan City, Cabatuan, San Mateo) Visayas
• Northern Samar
• Hilagang bahagi ng Samar (Tagapul-An, Almagro, Santo Nino, Tarangnan, Catbalogan City, Calbayog City, Santa Margarita, Gandara, Pagsanghan, San Jorge, Jiabong, Motiong, Paranas, San Jose de Buan, Matuguinao)
• Hilagang bahagi ng Eastern Samar (Taft, Can-Avid, Dolores, Maslog, Jipapad, Arteche, Oras, San Policarpo)
• Hilagang bahagi ng Biliran (Kawayan, Maripipi)
Patuloy ang pagmo-monitor ng PAGASA sa Bagyong Rolly. Pinapayuhan din ang publiko na maging mapagmatyag at mag-ingat sa lahat ng oras.