ni Ronalyn Seminiano Reonico | November 4, 2020
Ganap nang Severe Tropical Storm ang Bagyong Siony na lalo pang lumakas at ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), may posibilidad na lalo pa itong lumakas bago mag-landfall.
Ayon sa tala ng PAGASA ngayong Miyerkules nang hapon, may hanging taglay ang Bagyong Siony na may lakas na 95 kilometers per hour (kph).
Huling namataan ang Bagyong Siony sa 735 kilometers east ng Basco, Batanes.
Inaasahang kikilos ito pa-kanluran at patungong extreme Northern Luzon areas ng Batanes at Babuyan Islands bukas nang gabi o sa Biyernes nang umaga.
Sa ngayon ay nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 sa mga sumusunod na lugar:
Hilagang bahagi ng Cagayan (Santa Ana, Gonzaga)
Silangang bahagi ng Babuyan Islands (Balintang Island, Babuyan Island, Didicas Island, at Camiguin Island)
Maaapektuhan din ng malakas na hanging dala ng Bagyong Siony ang Cagayan Valley at Ilocos Norte.
“Light to moderate with at times heavy rains” naman ang mararanasan sa Bicol Region at ilang lugar sa Aurora, Quezon, at silangang bahagi ng Cagayan at Isabela.
Nagbabala rin ang PAGASA sa posibilidad ng pagbaha at landslides.