ni Ronalyn Seminiano Reonico | February 20, 2021
Kanselado ang ilang flights ngayong Sabado, February 20, dahil sa masamang panahong dulot ng Tropical Storm Auring na may international name na Dujuan, ayon sa Philippine Airlines (PAL).
Ang mga sumusunod na flights ang inanunsiyong kanselado sa araw na ito:
• PR2934/PR2935: Manila- Butuan- Manila
• PR2525/PR2526: Manila- Cagayan de Oro- Manila
• PR2361/PR2362: Cebu- Butuan- Cebu
• PR2363/PR2364: Cebu- Davao- Cebu
Kanselado na rin ang mga sumusunod na flights para bukas, Linggo, February 21:
• PR2519/PR2520: Manila- Cagayan de Oro- Manila
• PR2521/PR2522: Manila- Cagayan de Oro- Manila
• PR2525/PR2526: Manila- Cagayan de Oro- Manila
• PR2773/PR2774: Manila- Tagbilaran (Panglao)- Manila
• PR2934/PR2935: Manila- Butuan- Manila
• PR2985/PR2986: Manila- Tacloban- Manila
• PR2983/PR2984: Manila- Tacloban- Manila
• PR2971/PR2972: Manila- Siargao- Manila
• PR2886/PR2887: Manila- Ozamiz- Manila
• PR2313/PR2314: Cebu- Cagayan de Oro- Cebu
• PR2374/PR2375: Cebu- Siargao- Cebu
Samantala, inabisuhan na ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ang publiko na maghanda at mag-ingat dahil maaari umanong mas lumakas pa ang Tropical Storm Auring.
Pahayag ni NDRRMC Executive Director and Undersecretary Ricardo Jalad, "Maaaring mas malala pa... Maaaring mas malakas ang kanyang idudulot. Nakita natin 'yan sa mga bagyong nagdaan, mas malakas.”
Itinaas din ng PAGASA ang Tropical Cyclone Wind Signal Number 1 sa sumusunod na lugar:
• Northern Samar,
• Eastern Samar,
• Samar,
• Biliran,
• Leyte,
• Southern Leyte,
• Cebu,
• Negros Oriental,
• Bohol,
• Siquijor
• Dinagat Islands,
• Surigao del Norte,
• Surigao del Sur,
• Agusan del Norte,
• Agusan del Sur,
• Davao Oriental,
• Davao de Oro,
• Davao del Norte,
• Davao City,
• Camiguin,
• Misamis Oriental,
• Misamis Occidental,
• Lanao del Norte,
• Bukidnon, at
• Lanao del Sur
Kahapon ay una nang naiulat ng PAGASA na mula sa severe tropical storm ay humina ito bilang tropical storm. Ngunit babala ng naturang ahensiya, maaari itong lumakas muli sa severe tropical storm habang papalapit sa eastern coast ng Caraga Region at inaasahang magla-landfall ito sa nasabing lugar sa Linggo nang umaga o hapon.