ni Jasmin Joy Evangelista | October 5, 2021
Naramdaman na sa mainland Palawan ang epekto ng tropical depression Lannie.
Ito na ang ika-siyam na landfall ng naturang bagyo, matapos itong tumama sa Bucas Grande Island, sa Socorro, Surigao del Norte, Cagdianao, Dinagat Islands, Liloan, Southern Leyte; Padre Burgos, Southern Leyte; Mahanay Island, Talibon, Bohol; sa Banacon Island, Jetafe, Bohol; San Fernando, Cebu at Guihulngan City, Negros Oriental.
Ngayong umaga, namataan ang sentro ng bagyo sa coastal waters ng El Nido, Palawan.
Taglay nito ang lakas ng hangin na 45 kph at may pagbugsong 55 kph.
Kumikilos ito nang pahilagang kanluran sa bilis na 25 kph.
Nakataas ang signal number 1 sa Northern portion ng Palawan (El Nido, Taytay, Dumaran, Araceli), kasama na ang Calamian Islands.