ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | Oct. 14, 2024
Photo: Heart Evangelista, Pia Wurtzbach - Justin Louise Soriano / IG
Ipinagtanggol si Pia Wurtzbach ng dating make-up artist ni Heart Evangelista na si Justin Louise Soriano.
Matatandaang last year ay nagkaroon ng falling out si Heart at ang kanyang glam team at kabilang nga rito si Justin. Kasunod nito ay ang paglipat ng dating glam team ni Heart kay Pia.
Since then nga ay nagkaroon na ng silent war at rivalry sina Pia and Heart sa fashion world.
Lately nga ay may mga patama si Heart na hula ng mga netizens ay kay Pia patungkol.
Ang latest, nagsalita na si Justin tungkol sa akusasyong ninakaw ni Pia ang mga contacts ni Heart.
“Don’t you feel guilty about almost everything happening to you right now you got them through cheating? You got someone’s contacts and connections. You didn’t work for them, this is not the Pia we know,” ang saad ng isang netizen.
Matatandaang naikuwento na rin ni Heart before na may nagnakaw daw ng kanyang contacts para lang magkaroon ng koneksiyon sa mga fashion shows at hula nga ng mga netizens ay si Pia ito.
Bilang sagot sa akusasyon ng netizen ay nilinaw ni Justin na walang ninakaw na
contacts si Pia.
“Pia never ever stole any contacts or whatever, lalo na kami. We are only glam team and ‘di nga namin kilala or close mga PR. Also PIA IS PIA!” pagtatanggol ni Justin sa kanyang kliyente.
“She walked the runway in New York when she was Miss Universe, she already attended a lot of fashion shows in New York way back 2015! So that cheating thing is actually invented so people can draw hate towards Pia.
“Hay, buti na lang when brands hear or read these things all the more they show love to Pia. The universe talaga is so powerful, you throw hate? The hate goes back to you! So sa dami na-achieve ni @piawurtzbach cheating and stealing?” patuloy pa nito.
“I mean Jeremy (Jauncey) and Pia are actually friends with Imran. Pia is also meeting Natalia Vodianova (wife of Dior CEO) whenever she’s in Paris. So why steal contacts when she is well connected naman?” depensa pa niya.
Sinabi rin ng make-up artist na mababaw ang mga nag-iisip na ninakaw ni Pia ang contacts ni Heart.
“Because it’s been more than a year na and ganyan pa sila kababaw. So sad for them,” aniya.
“And knowing how it works in PR world, even if you know the contact person, he will be the one to approve. Hindi sila basta-basta. So if sa 100 na tao, lahat sila may contact, lahat ba ‘yun, pasok sa finals? Hindi, ‘di ba? Kasi kung oo, concert fashion show ang nais,” pahayag pa niya.
Sa huli ay tila may pagbabanta pa si Justin na baka makarma raw ang family ng nag-aakusa kay Pia without naming names.
“Honestly, dedma ako sa bashing kasi part ng life ‘yan. Hopefully, though hindi karmahin family nila, you know naman how the universe works, ‘di ba?” sey niya.
MAGING ang direktor ng pelikulang Guilty Pleasure (GP) na si Connie Macatuno ay hindi mabilang kung gaano karami ang mga daring and intimate scenes sa movie na pinagbibidahan nina Lovi Poe, Jameson Blake and JM de Guzman.
Kaya naman R-16 without cuts ang rating na ibinigay ng MTRCB sa GP at sey nga ni Direk Connie, ito na raw ang pinakaseksing pelikulang ipapalabas sa sinehan this year.
“Merong ginawa si JM at saka si Lovi na intimate scene there na na-surprise rin ako sa kanila but I let it be. ‘Yung parang they were playing a song, and then, sobrang naging intense ‘yung emotions nila,” kuwento ni Direk Connie sa mediacon.
“‘Yung kay Jameson naman saka kay Lovi, ang masasabi ko lang, lasing s’ya (Jameson) sa sarap. Charot!” sey ni direk sabay tawa.
“Intoxicated is the word. Intoxicated siya sa ganda ni Alexis (Lovi’s character),” dagdag pa niya.
Ayon naman kay Lovi, pumayag siya sa lahat ng ipinagawa ni direk dahil buong-buo ang tiwala niya rito.
Sa first day of shooting pa lang daw ay love scene na agad ang kinunan ni direk kaya aminado si Jameson na na-shock din siya.
Biro naman ni JM, “I feel violated.”
Diretso namang natanong si Lovi kung kanino siya mas ‘nasarapan’ between JM at Jameson at natawa ang aktres.
“Iba kasi ‘yung atake ng bawat isa. Magkaiba, eh,” aniya.
“It’s a different experience. So, they delivered perfectly sa characters nila,” dagdag pa niya.
Ang masasabi lang ng aktres, “unusual” ang intimate scene nila ni JM at “loving and tender” naman kay Jameson.
Pero paglilinaw naman niya, “The sexy part of the film is just the tip of the iceberg. There’s so much depth in the story and everyone did an amazing job.”
Showing na sa mga sinehan nationwide ang Guilty Pleasure simula sa October 16 mula sa Regal Entertainment at C’est Lovi Productions ni Lovi Poe.