ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | Nov. 5, 2024
Photo: Maris Racal at Anthony Jennings - FB Circulated
Sinagot na ni Maris Racal ang issue ng couple shoes nila ng ka-love team niyang si Anthony Jennings.
Matatandaang nag-viral last September ang larawan ng MaThon wearing identical shoes (Adidas black and white Samba) habang nasa Italy sila filming Incognito.
Siyempre, dahil dito ay lalong uminit ang espekulasyon na mukhang may something special nang namamagitan sa dalawa.
That time ay break na si Maris sa ex-boyfriend na si Rico Blanco habang si Anthony naman ay may tsikang on the rocks na rin ang relasyon sa non-showbiz girlfriend na si Jam Villanueva.
Hanggang nitong nakaraang October, lumutang na nga ang balitang tuluyan na umanong naghiwalay sina Jam and Anthony.
Anyway, sa latest interview ni MJ Marfori ng TV5 kay Maris ay naitanong sa aktres ang tungkol sa couple shoes.
Sagot ni Maris, “Actually, nagkataon lang talaga na same kami ng shoes.”
Dagdag pa niya, “Natawa na nga lang ako sa nangyari kasi nagkataon lang talaga na ganu'n ‘yung sapatos namin. Matagal na akong may ganu’ng sapatos, like three years ago na or two.”
Ulit pa niya, “So, yeah, nagkasabay lang talaga.”
‘Yun na!
Binigyan ng birthday cake ng ex-wife… GABBY KAY SHARON: KAYA LOVE NA LOVE KITA, EH!
Kaarawan ni Gabby Concepcion today, November 5, at hindi ito nakakalimutan ng ex-wife niyang si Sharon Cuneta. Kaya naman, may pasabog na birthday cake sa kanya si
Megastar nitong nakaraang Nov. 2 show nila sa Canada.
As we all know, kasalukuyang nasa US & Canada tour pa sina Sharon and Gabby para sa kanilang Dear Heart (DH) concert.
Sa mga reels na ibinahagi ni Sharon sa kanyang Instagram Story ay makikitang binigyan niya ang ex-husband ng birthday cake sa stage at touched na touched naman ang aktor.
“Thank you very much talaga. Kaya love na love kita, eh,” sey ni Gabby kay Sharon at saka niyakap niya ito.
Sagot naman ni Sharon, “I know, yeah, right?”
Maririnig naman sa background ang sigawan ng audience na halatang kilig na kilig.
Sa isang video naman ay mapapanood na muling nagpasalamat si Gabby kay Sharon dahil nag-imbestiga raw siya at nalaman niyang kay Megastar talaga galing ang cake at hindi sa produksiyon.
“Wala na naman sa script ‘to, ha? Maraming salamat du’n sa cake na ibinigay mo sa ‘kin. Nag-imbestiga ako du’n sa likod. Hindi galing sa production, galing talaga sa kanya (Sharon),” sabi ni Gabby.
Kinilig na naman ang crowd. At mas kinilig pa sila sa sagot ni Sharon.
“Oo naman, binigyan mo ako ng anak,” sey ni Shawie.
In fairness, base sa videos na napanood namin ay mukhang good friends na talaga sina Sharon Cuneta and Gabby Concepcion at sana ay totoo ito at hindi lang dahil sa show.