ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | Nov. 7, 2024
Photo: Mavy Legaspi at Kyline Alcantara - Instagram
Masaya na si Mavy Legaspi at mukhang naka-move on na talaga mula sa breakup nila ni Kyline Alcantara.
Matatandaang naging kontrobersiyal ang breakup noon nina Mavy at Kyline dahil sa dami ng mga issues na lumabas tungkol sa kanilang hiwalayan.
Sa panayam ng 24-Oras kay Mavy ay nagsalita siya tungkol sa kanyang ex-girlfriend at sa estado niya ngayon matapos ngang aminin ni Kobe Paras that she’s dating Kyline.
“The person’s happy, I’m happy. Let’s end the year on a good note na peaceful,” nakangiting wika ng anak nina Zoren Legaspi and Carmina Villaroel.
Sey pa niya, “What's done is done. Also, lahat naman masaya.”
When asked kung ready na ba siyang makasalubong si Kyline, aniya, “I’ve always been civil and at the end of the day, we’re all just looking for happiness in our lives.”
In fact, nangyari na raw na nakasalubong niya si Kyline at nagngitian naman daw sila.
“Yeah, a couple of times. Nod, smile, yeah, it’s been okay,” sey niya.
Sa ngayon ay single na single raw siya at ang ka-mingle niya ay gym.
“I’m mingling in the gym, working out. Ang masasabi ko lang, my heart’s happy. That’s it,” aniya.
Bukod dito ay naghahanda rin daw ang aktor for his comeback project.
“I’m actually very focused on diet, working out. Makikita n’yo in the very near future kung bakit kailangang magpapayat,” sabi ni Mavy.
Ganu'n na raw sila ka-close ngayon…
KATHRYN, UMAMING WA' NA HIYA KAY ALDEN
Aminado sina Kathryn Bernardo and Alden Richards na talagang mas lumalim na ang kanilang relasyon ngayon bilang magkaibigan mula nang gawin nila ang sequel ng 2019 movie nilang Hello, Love, Goodbye (HLG) na ngayon naman ay Hello, Love, Again (HLA).
Ayon kay Kath sa panayam nila ni Alden sa 24-Oras, mas marami pa raw siyang natutunan sa aktor sa pagsasama nilang muli ngayon sa HLA.
“He's just amazing. Hindi lahat kaya, hindi ko kaya kung paano ‘yung ginagawa n’ya. Minsan ‘pag napapagod ako, tapos titingnan ko siya, iisipin ko, ‘Ito nga, hindi nagrereklamo,’” paglalarawan ni Kath sa leading man.
“Ang dami, ‘pag kailangan mo ng advice, you just talk to him. Hindi ako nahihiyang magtanong sa kanya, like hindi ko kailangang i-filter ‘yung mga questions ko because I know na hindi s’ya mao-offend also,” dagdag pa ng aktres.
Ayon naman kay Alden ay nagbago ang kanyang pananaw sa buhay simula nang maging kaibigan niya si Kathryn.
“One thing that she made me realize is don’t take life too seriously. S’ya ‘yung nagpa-realize sa ‘kin na it’s okay to (say) ‘no’ at times, valuing your time for yourself, time for your loved ones,” sabi ni Alden.
“Take everything one day at a time, hindi ka superhero. One battle at a time,” dagdag pa ng aktor.
Inamin din ni Alden na ang pagka-genuine ng relationship nila ni Kath ang isa sa mga nilu-look forward niya sa kanilang samahan.
“The genuinity of the relationship, I think, ‘yun ‘yung pinaka-isa sa mga nilu-look forward ko all the time with Kath,” sey ni Alden Richards.