ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | August 4, 2024
May malaking teleserye umanong niluluto ang Star Creatives na pagsasamahan nina Richard Gutierrez, Daniel Padilla, Ian Veneracion, Baron Geisler, Barbie Imperial, Kaila Estrada, Anthony Jennings at Maris Racal.
Ipinost sa X (dating Twitter) ng Kapamilya Online World ang Teleserye Alert na may larawan ng mga artistang nabanggit.
“ABS-CBN Studios mula sa produksyon ng Star Creatives pinaghahandaan na ang epic seryeng pagbibidahan ng ilan sa pinakamalalaking artista ngayon!” ang nakasaad na caption.
Siyempre, kani-kanyang reaksiyon ang mga fans ng mga artistang nabanggit at karamihan sa kanila ay excited.
Sey ng isang fan nina Maris at Anthony (MaThon), “Taray ng #MaThon may bagong teleserye na ulit. Sana magkaroon sila ng teleserye na sila talaga ang lead.”
Nag-react din ang ilang mga netizens sa pagsasama nina Richard at Barbie na as we all know ay nali-link ngayon.
“Parang bet ko ang Daniel-Barbie and Richard-Kaila na possible pairing,” komento ng isang netizen.
“Luh, Richard and Barbie project talaga, ah, ang lakas sa ABS-CBN kahit ang init ng dalawang ‘yan ngayon sa tao,” sey naman ng isa pang X user.
“Kaya pala may sightings ang Richard-Barbie, may teleserye pala. Parang Janine and Echo lang,” sey pa ng isa.
Isa marahil sa mga sightings na tinutukoy ng netizen ay ang nag-viral sa TikTok na video clip at photos na sinasabing sina Richard Gutierrez at Barbie Imperial habang naghahalikan sa isang beach sa Dubai.
Pero kung kami ang tatanungin, hindi kami naniniwalang sina Barbie at Richard 'yun dahil nu'ng zinoom-in namin ang photo, nakita naming hindi si Barbie ang girl kundi kamukha lang. Nakatalikod naman ang guy na sinasabing si Richard kaya paano mapapatunayang sila nga ang nasa viral video?
Isa pa, wala namang balitang nagpunta sa Dubai sina Richard at Barbie nang magkasama.
Ganern, Julia? COCO, PAMILYA NA ANG TURING KAY IVANA
Labis ang pasasalamat nina Coco Martin at Ivana Alawi sa patuloy na pagtangkilik ng mga Pinoy sa FPJ’s Batang Quiapo na kamakailan ay inanunsiyo ang pamamaalam ng karakter ni Ivana, kasabay ng sunud-sunod na gabi ng record-breaking online views.
Ikinuwento ni Coco na hindi niya inakalang papatok sa mga manonood ang nakakakilig na tambalan nila ni Bubbles (Ivana), kaya nagpasalamat din siya sa aktres dahil game na game ito sa mga eksena nila.
“Pamilya na ‘yung turing namin sa kanya. Hindi namin akalain na gaganda nang gaganda ‘yung kuwento namin. Sobrang laki ng naiambag ni Ivana sa serye, sana nag-enjoy siya,” sabi ni Coco sa interview sa TV Patrol.
Sa pamamaalam ni Bubbles, sinagot ni Coco ang tanong ng bayan kung may bagong karakter nga bang papasok sa buhay ni Tanggol (Coco).
“Nakaka-excite kasi na hindi ko pa rin alam. I’m sure matsa-challenge kami sa panibagong pagsubok na haharapin namin,” sey ng aktor/direktor.
Samantala, nagtala ng bagong online viewership record ang FPJ’s Batang Quiapo sa tatlong magkakasunod na gabi. Ang kasalukuyang all-time high ng serye sa Kapamilya Online Live ay 635,636 peak concurrent views para sa episode noong Hulyo 31.