ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | August 22, 2024
Fake news ang lumabas na balita sa social media na ini-reveal na raw ni Bimby Aquino-Yap ang kanyang boyfriend.
Si Ogie Diaz ang nagtanggol sa anak ni Kris Aquino at ibinahagi niya sa kanyang Facebook (FB) Story ang post na nagsasaad ng, “Bimby Aquino, ISINAPUBLIKO na ang kanyang longtime boyfriend.”
Makikita sa larawan ang dalawang lalaki na naghahalikan at pinalalabas ng nag-post na si Bimby at isang guy ito.
May quote rin na nakalagay na: “Mahal ko siya. . .” na diumano ay galing kay Bimby.
Saad ni Ogie sa balita, “FAKE NEWS!!! PLEASE REPORT!!!”
Naging usapan ito sa isang community site at marami ang umuudyok kay Kris na idemanda ang mga nag-post at nagkalat ng maling balita dahil sobrang nakakasira ito para kay Bimby Aquino.
Well, pasalamat sila at may sakit si Kris ngayon dahil kung hindi, tiyak na hindi niya ito palalampasin.
Aminado ang Pinoy pop/alternative rock band na December Avenue na noong una nilang malaman na magkakaroon sila ng concert sa Mall of Asia Arena ay natakot talaga sila.
Titled Sa Ilalim ng mga Bituin, gaganapin ang concert ng grupo (composed of Zel Bautista, Don Gregorio, Jet Danao, Jem Manuel and Gelo Cruz) sa August 30, 2024 at MOA Arena.
First time raw nilang magpe-perform sa ganito kalaking lugar at nasanay sila sa maliliit na venues lang.
Ayon sa vocalist na si Zel sa mediacon na ginanap last Tuesday sa Okada Manila, “Mayroon talagang fear sa ‘min when we learned about na we’re gonna perform sa MOA.”
Pero very thankful daw sila sa producer nilang si Nancy Yang of NY Entourage Productions sa tiwalang ibinigay sa kanila lalo’t hindi biro ang production cost ng concert.
“When our manager Koi ay kinausap si Miss Nancy about it, naging confident na rin kami. Of course, Miss Nancy is a legendary producer, so, kumbaga, parang nagkaroon na rin kami ng confidence na ‘Okay, this is serious, we’re gonna make it, we have to make it.’ Parang ganu’n.
“Pero from the start, natatakot talaga kami kasi we’re not really expecting to make money out of it, to sell tickets. We just wanted to celebrate our existence for 15 years. ‘Yun lang talaga ang goal namin,” pahayag ni Zel.
Pero laking-gulat nila na nang ilabas ang tickets, within two hours ay 65% na agad ang nabili at sa ngayon ay sold-out na ito.
Kaya nagdesisyon ang producer na magbukas ng SRO section para sa gusto pang bumili ng tickets.
Ayon sa grupo ay hindi raw nila ine-expect na magiging sold-out ang concert.
Sey ng bass guitarist na si Don Gregorio, “Sabi ko nga sa kanila, ‘pag walang bumili, tayo na lang ang bumili ng ticket, tapos, pamimigay namin. Hindi namin in-expect ‘yung 65% within 2 hrs. Ine-expect talaga namin na kailangan naming trabahuhin hanggang sa day ng concert na sana, may manood pero… nakakagulat talaga.”
Mahalaga ang concert na ito dahil nga sa pagdiriwang nila ngayong taon ng kanilang 15th year in the business.
Symbolically, their name represents the last month of the year - December, which is an avenue towards a new year and new life.
Si Paolo Valenciano ang magdidirehe ng anniversary concert ng December Avenue.