ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | August 27, 2024
Tapos nang mag-shooting sina Alden Richards at Kathryn Bernardo sa Canada ng pelikulang Hello, Love, Again (HLA).
Sa kanyang Instagram (IG) account ay ibinahagi ng co-star ng KathDen na si Joross Gamboa ang ilang larawan nila sa Canada.
Makikitang kasama niya sa mga larawan ang KathDen, ang direktor nilang si Cathy Garcia-Sampana, at ang iba pang kasamahan nila sa HLA.
Sa caption ay kinantiyawan pa ni Joross si Alden na mukhang maiiyak pa raw.
“Eyyy! It’s a wrap, Canada (flag emoji). Oh, Ethan, ba’t ka naman umiiyak (crying emoji),” caption ni Joross.
Halata ngang nag-enjoy ang buong team sa shooting sa Canada dahil sa IG Story ni Joross ay niyaya niya ang mga kasamahan na mag-extend pa sila ng isang linggo.
Matatandaang noong nakaraang buwan nang magsimulang mag-shooting sa Canada ang sequel ng HLA na ipapalabas sa mga sinehan ngayong Nobyembre.
Naging luho na raw, kahit super-mahal…
ANDREA, BIDA-BIDA, PABANGO NG MGA HOLLYWOOD STARS ANG GAMIT
Inamin ni Andrea Brillantes na dahil wala siyang pang-amoy, naging obsessed siya sa mga pabango at bumili ng mga mamahaling perfumes.
“Dahil nga ‘di ako nakakaamoy, I became very conscious of my scent lalo na noong naging teen-ager ako,” kuwento ni Blythe sa kanyang TikTok video.
“Kasi i-imagine n’yo, I’m always surrounded by artistas, I always meet new people, mga fans, siyempre, ‘di puwede na mabaho ako o may amoy ako, ‘di ba?” paliwanag niya.
“Bilang bida-bida, gusto ko, mabango ako, maalala nila ‘yung amoy ko. So I became very obsessed with perfumes and unti-unti, nagkaroon ako ng perfume collection. Tapos, lagi akong nagre-research ng mga pabango,” tsika pa niya.
Umabot nga raw sa punto na parang naging luho na niya ang pabango, “Kasi, grabe, ang mamahal ng mga pabango ng mga sikat na artista sa Hollywood. Tapos ‘yun ‘yung mga binibili ko.”
Kaya naman kilig na kilig daw siya kapag may mga nagsasabi na "Ang bango mo naman" kahit hindi niya naaamoy ang sarili.
Ipinaliwanag din ng aktres na ipinanganak siyang may ‘congenital anosmia’ (kondisyon kung saan ang tao ay ipinanganak na may lifelong inability to smell).
“I have never smelled anything in my life at all. As in wala,” aniya.
Hindi raw siya nakakaamoy ng scent, odor, expired food, at kahit may nasusunog ay hindi rin niya naaamoy.
Mukhang hindi naman hindrance kay Andrea ang kanyang kondisyon, maliban sa isang pagkakataon na kinuha siyang maging endorser ng perfume.
“I was offered a brand endorsement, but they backed out when they found out about my disability and siyempre, umiyak ako. I was super-frustrated kasi parang what can I do about it? I was born like this, it’s not really my fault,” kuwento niya.
Ironically, kahit wala siyang pang-amoy, may perfume business na siya ngayon dahil na rin sa kanyang obsession sa pabango.