ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | Dec. 20, 2024
Photo: Vice Ganda
Itinanggi ni Vice Ganda ang intrigang kumakalat na may utang ang It’s Showtime (IS) sa GMA-7.
Ayon nga sa tsika, ito raw ang dahilan kung bakit hindi na umano ire-renew ang kontrata ng naturang noontime show sa Kapuso Network for 2025.
Sa recent episode ng IS ay pahapyaw itong napag-usapan nina Vice, Vhong Navarro at Kim Chiu nang pansinin nila ang makintab na stage ng Tawag ng Tanghalan (TNT).
“Paano ba namang hindi kukutitap, ang kintab ng stage na ‘to, parang natapunan ng syrup ng hotcake,” sey ni Vice.
Sundot naman ni Kim, “Makinang.”
Biro pa nina Vice at Vhong, umaasenso na raw sila sa show.
“Let’s claim it na umaasenso tayo. At hindi totoong may utang ang It’s Showtime sa GMA,” hirit ni Vice.
Pagsegunda naman ni Kim, “Oo nga, sino ba kasi nagpakalat nu’n?”
Pagkatapos nito ay pinasalamatan ni Vice ang lady boss ng GMA-7 na si Atty. Annette Gozon-Valdes.
Aniya, “Bongga talaga ‘tong si Miss Annette! I love you, Miss Annette. ‘Wag kayong mag-alala, may pamasko si Miss Annette.”
Samantala, sa recent interview kay Miss Annette ay siniguro niyang halos kumpirmado na ang renewal ng kontrata ng IS sa GMA.
“May hinintay kaming data kaya natagalan kaming bumalik sa kanila. Pero siguro, mga 95 percent ano na ‘yan.
“Wala namang problema kasi, eh. Konting ano lang, konting pag-uusap lang. Nandito sina Carlo (Katigbak, presidente ng ABS-CBN), nag-uusap kami,” pahayag ng executive.
“Pagdating sa ratings, wala kaming problema. ‘Yung ibang mga ano ‘yung ano namin, mas tungkol sa new terms. Sa ratings, walang problema, kasi ang taas-taas ng ratings ng Showtime,” saad pa niya.
Nilinaw din niya na walang utang sa kanila ang It’s Showtime.
‘Wag daw mag-ingay sa social media…
YASMIEN, PINATAHIMIK NG COLEGIO SAN AGUSTIN SA IBINULGAR NA NABU-BULLY ANG ANAK NG MGA KAKLASE
Pinabulaanan ng Colegio San Agustin (CSA) Makati na may pambu-bully na nagaganap sa anak ni Yasmien Kurdi na si Ayesha.
Sa official statement na inilabas ng nasabing eskuwelahan, nakasaad dito na walang bullying na naganap kundi nagkaroon lang daw ng diskusyon ang mga estudyante.
“It is unfortunate that an incident among minor students has been blown out in the public.
“At the outset, there appears to be no bullying that happened on December 10, 2024, but rather a situation where students were discussing Christmas party preparations.
“The school has immediately addressed the matter among the students and parents involved.
“The school is handling the matter with caution, circumspect, and confidentiality because the students involved here are minor children,” bahagi ng statement ng CSA.
Hinihiling ng paaralan kay Yasmien na makipag-cooperate at pinag-iingat din siya sa pagbabahagi ng impormasyon tungkol sa mga menor-de-edad na estudyante.
“We encourage the parents, especially Mrs. Soldevilla, to cooperate with the school so that matters can be resolved within the school mechanisms in place pursuant to its policies in compliance with relevant DepEd Orders.
“We also caution Mrs. Soldevilla to refrain from sharing information about the minor students as this tends to put them in a bad light, embarrassment, and even ridicule, not only in CSA but in the eyes of the public.
“While we assume good faith in the public actions and statements of Mrs. Soldevilla, these may have unintended consequences on the students involved including her own daughter.
“We acknowledge that she is a public personality and perhaps used to public attention, but the other parties especially the minor students value their privacy and hence deserve respect too.
“CSA supports raising awareness on bullying, but also mindial that the drawing or seeking unnecessary public attention does not help at all in the formation and correction of students and in eventually resolving their conflicts.
“The school environment is a place where there’s constant interaction among students, which results almost always to emotions of joy, even frustration and anger,” nakasaad pa sa statement.
Matatandaang ibinunyag ng aktres kamakailan na binu-bully ang kanyang anak ng mga classmates sa school.