ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | September 9, 2024
Nakakaaliw ang kuwento ni Rica Peralejo tungkol sa kanyang anak na napagkamalang batang-kalye nang kumain sila sa isang mamahaling restaurant.
Ikinuwento ng dating aktres sa kanyang Instagram (IG) Story ang buong pangyayari.
“True story, we were seated here when the server asked us if kasama namin si Manu. Akala n’ya 'ata, he is a street kid na disturbing us. And I think I know why…,” simula ni Rica.
“Ganito kasi hitsura n’ya,” aniya sa larawan ni Manu na parang naka-pambahay lang at may dala pang sanga ng kahoy na parang tungkod.
“May dala s’ya na stick inside a fancy resto with his play clothes and Birks na siyempre maduming bata! Eh, medyo fancy ‘yung place, so akala yata nila, he cannot be dining with us.”
Pero nilinaw naman niyang hindi siya nasaktan sa sinabi ng waiter.
“‘Di naman ako na-offend kasi sa totoo lang, mukha talaga s’yang batang naglaro sa kalye at sa totoo lang din, ‘di namin alam na fancy pala ‘yung pipiliin for dinner ng mga friends namin. Kaya medyo sobrang casual lang namin as pamilya. Hahahaha!” sey niya.
“Naka-Crocs at Birks lang talaga kami, eh, ‘yung mga kasamahan namin, naka-Burberry and maarte fair items. Kami, mukhang nag-overlanding,” sabi pa ni Rica.
Well, sabi nga, ang mga taong totoong rich at edukado ay hindi nao-offend sa mga ganyang remark.
ANG bongga ni Darren Espanto dahil nabili na niya ang pangarap niyang luxury vehicle at proud niya itong ibinahagi sa kanyang social media account.
Sa Instagram (IG) post ng singer, makikita ang mga larawan niya kasama ang kanyang brand-new black Cadillac Escalade.
Sa caption, sinabi ni Darren na bata pa raw siya ay fan na siya ng nasabing sasakyan.
“Made another big boy purchase! (cool emoji) Very grateful for all of God’s blessings. Always loved riding my parents’ Escalade as a kid and have been a fan ever since. And now, here we are,” sey niya.
Upon checking, ang Cadillac Escalade ay naglalaro sa presyong P19 million pataas.
Kaya naman pati ang mga friends at supporters ni Darren ay masayang-masaya para sa kanya.