ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | Sep. 20, 2024
Hindi lang sina Heart Evangelista at Pia Wurtzbach ang mga Pinay celebrities na magpapatalbugan sa Milan Fashion Week (MFW) sa Italy dahil naroroon din pala ngayon sina Marian Rivera at Anne Curtis.
Ito nga bale ang debut ni Marian sa fashion week at dadalo siya para sa ineendorso niyang Italian makeup brand. Kasama ng aktres na lumipad pa-Italy ang mister niyang si Dingdong Dantes.
Makikita nga sa Facebook (FB) page ng Philippine Consulate General in Milan na si Mr. Elmer G. Cato ang pag-welcome niya sa mag-asawang Dingdong and Marian.
“Last night, we got to welcome celebrity couple Marian Rivera and Dingdong Dantes who are visiting Milan for the first time,” bahagi ng caption ni Mr. Cato sa larawan niya with DongYan (Dingdong at Marian).
“Over dinner, we congratulated Marian and Dingdong for the success of their movie Rewind, which we got to watch on Netflix a few nights ago. It is now the highest grossing Filipino film of all time.
“We also thanked the couple for their philanthropic work back home, especially the assistance they have been extending to women and children with disabilities. We also had a very interesting conversation on the West Philippine Sea with Dingdong, who is also a reserve officer of the Armed Forces of the Philippines. That’s the W sign for the West Philippine Sea that we were flashing,” kuwento pa ni Mr. Cato.
Si Anne naman ay imbitado ng Gucci sa Milan Fashion Week base sa kanyang mga Instagram posts.
“Touchdown Milano (Italy flag emoji) Fresh pa ba? So happy to be here for my Gucci fam! Can’t wait for the show tomorrow!” ang caption ni Anne sa larawan niya na nasa Milan airport.
Comment ni Bea Alonzo, “Ganda!”
Sey naman ni Dra. Vicki Belo, “Hope to see you.”
MASAYANG-MASAYA ang Vivamax star na si Ayanna Misola na finally ay nagkaroon siya ng wholesome project na hindi niya kailangang maghubad.
Isa si Ayanna sa mga bida sa digital advocacy series na West Philippine Sea (WPS) na produced ng Kapisanan ng mga Social Media Broadcasters ng Pilipinas (KSMBPI) headed by Dr. Mike Aragon.
Sa mediacon na ginanap para sa naturang proyekto kamakailan, ayon kay Ayanna ay ito raw ang first project niya na walang sexy scene at all.
Kaya naman, abut-abot ang pasasalamat niya kay Doc Mike dahil kung hindi raw dahil dito ay baka hanggang ngayon, naka-stuck pa siya sa sexy roles.
Sey pa niya, noon pa niya pinangarap na magkaroon ng role na hindi niya kailangang magpakita ng katawan.
Sinabi rin ng sexy actress na mahirap daw makawala sa sexy image pero hindi na raw siya talaga tatanggap ng proyekto na nagre-require ng nudity.
Sa WPS ay gagampanan ni Ayanna ang isa sa mga tagapagtanggol ng mga tao, na ibang-iba raw talaga sa mga ginagawa niya sa mga sexy movies niya.
Magsisimula nang mag-shoot sa October 1 ang WPS at ayon kay Doc Mike, ito ang proyekto na gigising sa kamalayan ng mga Pilipino sa pambu-bully na ginagawa sa atin ng China at pag-angkin nito sa teritoryong pag-aari ng Pilipinas.
Kasama rin sa lead stars ng WPS ang magdyowang sina AJ Raval at Aljur Abrenica, magkapatid na Rannie at Lance Raymundo, Jeric Raval, Daiana Menezes, Ali Forbes, Ayanna Misola, Massimo Scofield, Jerica Madrigal, Lala Vinzon at Roi Vinzon.
Ito ay ididirehe ni Karlo Montero, miyembro ng DGPI (Directors’ Guild of the Philippines).