top of page
Search

ni VA @Sports | Apr. 3, 2025



Photo: Pinamunuan ni Alyssa Valdez ang panalo ng Creamline Cool Smashers laban sa Choco Mucho kagabi para makaharap sa PVL finals ang Petro Gazz Angels. (Reymundo Nillama)



Laro sa Martes (April 8, 2025 4 p.m. Choco Mucho vs. Akari (Battle-for-bronze)

6:30 p.m. Creamline vs. Petro Gazz (Game 1 finals)



Naitakda na ang Petro Gazz Angels kontra Creamline Cool Smashers para sa 2024-25 Premier Volleyball League (PVL) All-Filipino Conference Finals.


Umakyat sa huling hakbang ang Cool Smashers sa championship round nang lupigin ang Choco Mucho sa pagwalis ng 3-sets win 25-19, 25-15, 25-15 sa semifinals kagabi sa Araneta Coliseum. Ito ang ika-pitong sunod na finals appearance at kumakaway ang tsansa para sa limang championship crown.


Tumiyak na rin ang 10-time PVL champions na mapalawig pa ang walang bahid na pag-akyat sa podium sa halos 17 kumperensiya. Nagtala ang Creamline ng 2-1 win-loss sa round-robin semifinals kungs aan ang tanging isang pagkatalo ay gawa ng Petro Gazz.


Sa unang laro ng semis, winalis ng Petro Gazz Angels ang Akari Chargers sa bisa ng 25-22, 25-20, 25-18 sets win. Kinumpleto ng Angels ang malinis na 3-0 sweep. Unang nagwagi ang Koji Tsuzurabara-coached squad sa Creamline at Choco Mucho para makuha ang semifinal seat.


Hawak ang dikitang 15-13 na pangunguna, ganado sina Van Sickle, Aiza Maizo-Pontillas, Joy Dacoron, at MJ Phillips para pangunahan ang 10-5 run, at tuluyang iselyo ang panalo.


Nakapag-ambag mula sa humaliling manlalaro si Nicole Tiamzon para sa pinal na lakas ng block kill at tiyakin ang straight-sets sa loob lamang ng 95 minuto. Namuno si Myla Pablo para sa Petro Gazz nang makagawa ng 16 points at 11 spikes, 4 blocks, at ace.


Nagmarka sa kanyang ikalawang sunod na laro ang bigat ng net defense, kasunod ng five-rejection performance laban sa Choco Mucho. Ang Choco Much at Akari Chargers naman ang haharap sa bronze medal match.


 
 

ni VA @Sports News | Mar. 24, 2025



Photo File: Nasa harapan ng bagong bahay ni double gold medalist Carlos Yulo sina Philippine Olympic Committee (POC) president Abraham “Bambol” Tolentino, Nesthy Petecio, Aira Villegas at Fr. Eugenio Lopez bilang birthday gift sa kanya ng POC. (pocpix)


May property na sa Tagaytay City sina Paris Olympics double gold medalist gymnast Carlos Yulo maging si bronze medalist Aira Villegas.


Gayundin si Nesthy Petecio na bronze medalist boxer din sa Paris ay may ikalawang bahay sa siyudad na pinangasiwaan ni Philippine Olympic Committee (POC) president Abraham “Bambol” Tolentino. 


“They deserve these homes, they’re not only our Olympic heroes, all of them are national treasures,” ani Tolentino, kung saan ibinigay niya kahapon ang susi sa tatlong Olympic medalists sa Prime Peak Town House subdivision sa Barangay Silang Crossing West.


Napagkalooban si Yulo, ang double gold medalist sa men’s floor exercise at vault sa Paris ng two-storey home na may sukat na 500-square meter habang  kapitbahay niya si Villegas sa siyudad kung saan itinatayo rin ang unang  indoor at wood UCI-standard velodrome.


Ang house-and-lot ayon kay POC secretary-general Atty. Wharton Chan ay may halagang P15 million na belated birthday gift  din ng POC para kay Yulo noong  Peb. 16.


Ang bagong two-storey home ni Villegas ay may sukat na 200-meter pareho rin kay Petecio tulad din ng ipinagkaloob kina  medalists Hidilyn Diaz Naranjo, Carlo Paalam at Eumir Felix Marcial sa Barangay San Jose nang maka-silver sa Tokyo 2020 Games. “I’m very grateful and feeling blessed to receive this house-and-lot and I’m on thankful how the POC helped us in our Olympic preparations in Paris,” ani Yulo sa reporters sa kanilang house blessing ni Fr. Eugenio Lopez. 


“This is what we've been doing since I became POC president—to keep the athletes inspired to win more medals for our country,” ani Tolentino.  


Gagawing bakasyunan ni Villegas ang Tagaytay City kapag wala sa training sa Baguio City habang si Petecio ay maninirahan na rito.


 
 

ni Gerard Arce / VA @Sports News | Mar. 4, 2025



Photo File: Creamline Cool Smashers at Petro Gazz Angels - PVL



Nakatakdang katawanin ng koponan ng Creamline Cool Smashers at ng  Petro Gazz Angels ang Pilipinas sa darating na  Asian Volleyball Confederation (AVC) Women's Champions League.


Ito ang inanunsiyo ni Philippine National Volleyball Federation (PNVF) vice president at Premier Volleyball League (PVL) president Ricky Palou. Dapat sana ay ang tatanghaling  PVL 2024-25 All-Filipino Conference champion ang magiging kinatawan ng bansa sa torneo. Subalit dahil sa kanyang schedule nito ay hindi na kakayañing mahintay pa ang pagtatapos nito dahil sa  Marso 12  na ang AVC draw.


Kaya naman nagdesisyon silang ang kasalukuyang nangungunang dalawang koponan na lamang sa preliminaries ang lalahok. "No more, because the AVC called us and said they need the teams right away. There's still a drawing of lots on March 12 so we cannot wait until the end of the tournament. We talked to the teams and we said after the (preliminary) round, the top two will represent the Philippines and that's Creamline and Petro Gazz," paliwanag ni Palou.


Bilang  host, may pagkakataon ang Pilipinas na magkaroon ng dalawang koponan at tig-3 imports gaya ng iba pang mga bansang kalahok.


"Yes, (they accepted). We don't know what their plans are because they are entitled to three imports. But we don't know if they will get three imports, although Petro Gazz have (MJ) Phillips and Brooke (Van Sickle) they are considered as imports because they belong to the US federation, so they can still get one more. I don't know what the plans of Creamline are as of this time," wika pa ni Palou.


Ang AVC tournament ay nakatakdang ganapin sa Abril 20-27 sa PhilSports Arena sa Pasig City.  

 
 
RECOMMENDED
bottom of page