top of page
Search

ni Twincle Esquierdo | December 9, 2020




Timbog ang dalawang lalaki at isang babae matapos makapkapan ng daan-daang libong halaga ng shabu sa buy-bust operation sa Lipa City, Batangas nitong Lunes.


Kinilala ang mga suspek na sina alyas Pakpak, Doc AI at Thalia. Nakuha sa kanila ang siyam na sachets ng shabu na mahigit 100 gramo na nagkakahalaga ng P700,000 at .9mm na baril mula kay Pakpak.


Ayon sa Lipa City Police, dati nang nahuli sina Pakpak at Thalia dahil sa ilegal na droga noong 2016 at nakalaya noong 2018 mula sa tulong ng plea bargaining. Nahaharap naman sa kasong Comprehensive Dangerous Drug Act ang tatlo.

 
 

ni Twincle Esquierdo | December 9, 2020




Naaresto ang isa sa mga suspek sa pananaksak sa 18-anyos na panadero sa Valenzuela City matapos ang mahigit isang linggo.


Sinita ang 38-anyos na lalaking hindi na binanggit ang pangalan dahil sa hindi pagsusuot ng face mask sa Sta. Cruz, Maynila.


Matapos kapkapan, nakuha sa kanya ang bladed weapon at napag-alaman sa imbestigasyon na pinaghahanap siya sa isang murder case.


Nangyari ang krimen noong Nobyembre 28 at kinilala ang biktima na si Vinz Toling na isang panadero.


Ayon sa inaresto, dalawang araw pa lang siya sa trabaho nang makainuman ang biktima kasama ang isa pa nilang katrabaho na hindi binanggit ang pangalan.


Nagkasagutan ang dalawa niyang katrabaho dahil sa hindi pagkakaunawaan, at dito na nag-umpisa ang gulo. Unang kumuha ng kutsilyo ang biktima ngunit naunahan siyang hampasin ng kanyang nakaalitan at du'n pinagsasaksak.


Umawat umano ang naaresto ngunit hindi niya nahawakan ang dalawang katrabaho.


Matapos ang krimen ay binigyan siya ng suspek ng P800 para makalayo kaya napilitan umano siyang magtago.


Ayon kay Police Lt. Col. John Guiagui, commander ng Sta. Cruz Police, kaduda-duda ang hindi pagre-report ng lalaki sa nangyaring krimen at maging ang pagtatago niya sa Tondo.


Pinasusuko na rin siya ng kapatid dahil nakatatanggap sila ng pagbabanta mula sa pamilya ng biktima.


Patuloy namang pinaghahanap ng mga awtoridad ang isa pang suspek sa pagpatay.

 
 

ni Twincle Esquierdo | December 9, 2020




Hinimok ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang mamamayan na iwasan ang Christmas party at pagtitipon ngayong darating na Kapaskuhan upang maiwasan ang pagdami ng mga naaapektuhan ng COVID-19 sa bansa.


"You have had so many Christmas blowouts and parties. This one Christmas, the only Christmas maybe, that government will interfere in your private affairs. You might think, 'This is too much, government does not control us.' Of course, we cannot control you individually if what you do is what you want.


"Would you be kind enough to skip the...festivities? Iwasan muna ninyo. Avoid it because it is for your own good and for the good of the community, and eventually, for the good of your own country," sabi ni Duterte.


Una nang sinabi ni Interior Sec. Eduardo Año na hihigpitan nila ang pagpapatupad ng mga minimum health standard at quarantine protocols ngayong darating na Pasko partikular sa Metro Manila.


Ayon naman sa Department of Health, noong nakaraang buwan pa umano nila ito pinaghahandaan dahil posibleng lumaki ang bilang ng kaso ng Covid-19. Gumagawa na ng contingency plan ang DOH na magbibigay-daan sa mga health authorities at iba pang opisyal na tumugon sa "post-holiday season surge," ayon kay DOH Sec. Francisco Duque.


Nauna nang ipatupad ng DOH ang Department Circular 2020-0355 o Reiteration of Minimum Public Health Standards para sa COVID-19 Mitigation sa panahon ng Kapaskuhan upang mapaalalahanan ang publiko na patuloy na sumunod sa mga minimum health standards.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page