ni Nancy Binay @Be Nice Tayo | Jan. 5, 2025
Inaasahan natin ang pagdagsa ng libu-libong pasahero na galing sa mga probinsya at pabalik ng Metro Manila.
Sa pagtatapos ng holiday season, libu-libong pasahero ang nagsimula nang dumagsa sa bus terminals at daungan.
Ayon sa PITX, umabot sa 160,000 hanggang 170,000 ang dumagsang pasahero sa kanilang terminal gabi ng Martes, Enero 2.
Batay naman sa Philippine Ports Authority (PPA), 3.5 milyong pasahero na ang kanilang naitala simula Disyembre 15.
Samantala, nakapagtala ang Philippine Coast Guard (PCG) ng 59,594 na pasaherong bumiyahe sa mga pantalan pauwi sa kani-kanilang mga probinsya noong nagdaang Pasko.
Bukod dito nasa 55,208 na mga pasahero ang bumiyahe pabalik sa Metro Manila nitong holiday season.
☻☻☻
Bagama’t marami na ang nakabalik sa Metro Manila pagkatapos ng Bagong Taon, inaasahan pa rin ang pagbuhos ng bilang ng mga pasahero ngayong weekend.
Ayon sa PPA Batangas nasa 200,000 pasahero ang naitala nilang umalis sa pantalan mula Disyembre 20 hanggang 31.
Sa kabila nito, 32,000 pasahero lamang ang bumalik sa Batangas Port mula Enero 1 hanggang 2. Dahil dito, inaasahan nila na mas maraming pasahero ang bibiyahe hanggang sa Lunes.
Pahayag naman ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) inaasahan nila na nasa 620,000 pasahero ang daragsa sa paliparan mula Biyernes hanggang Linggo.
Muli, ibayong pag-iingat sa lahat at tiyaking ligtas ang kanilang pagbiyahe lalo na sa mga susunod na araw.
☻☻☻
Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.
Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice!
FOLLOW US! Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay