ni Rikki Mathay - @Tips Pa More | November 30, 2021
Kung kailan tila bumababa na ang mga kaso ng COVID-19 sa bansa, muli na naman tayong ginulantang ng balitang may bagong sumulpot na variant o ibang tipo ng virus na ngayon ay tinatawag na Omicron.
Nauna nang lumabas ang Omicron sa South Africa at pinangangambahan ngayon ay ang pagkalat nitong muli sa buong mundo tulad na lang ng mga naunang variants nito kung saan ang pinakanakahahawa ay ang patapos pa lang na Delta variant. Sa katunayan, pinag-iisipan na ng Hong Kong kung muli silang magsasara mula sa mga bumibiyahe.
Pero kahit paano ay may good news hinggil sa Omicron variant.
Ayon kay Dr. Angelique Coetzee, na siyang chairwoman ng South African Medical Association, ang Omicron variant ng Coronavirus results ay mild o mas mahinang klase lamang ng COVID na walang malalang sintomas kompara sa mga nauna nang tipo ng virus. Kung nakararanas ng pananakit ng katawan, pananakit ng ulo at pagkapagod sa loob ng dalawang araw, mainan na mag-isolate o humiwalay muna mula sa mga kasama sa bahay. Ngunit mas mahirap ding makumpirma kung ang nararanasan ay Omicron na sapagkat hindi tulad ng mga nakalipas na variant, hindi nawawalan ng pang-amoy at panlasa ang impektado ng bagong variant. Maaari ring makaranas ng bahagyang pag-ubo lamang, kung kaya’t ang mga may Omicron ay ginagamot lang sa kanilang bahay.
Isa pang good news sa kabila ng bagong tipo ng COVID-19? Hindi umano ito tumatalab sa mga taong nabakunahan na. Ito ay patunay na gumagana ang alinmang uri ng bakunang naiturok sa atin. Vaccines work! Maigi ring isaisip ang mga datos na sumusunod:
Sa mga nasa ospital ngayon dahil sa COVID, anumang tipo o strain nito:
· 65% dito ang hindi bakunado
· 35% ay naturukan lamang ng iisang beses
· 0% (zero) ay bakunado
Kung eestimahin, tila pangkaraniwang viral infection na lang ang Omicron tulad ng normal na trangkaso. Ang kaibahan, mabilis na pagkalat nito kung kaya’t naisip nina Dr. Coetzee na mag-test kung isa na naman itong uri ng COVID-19. Isa pang kaibahan nito mula sa normal na trangkaso ay ang hindi malinaw na pangmatagalang epekto ng Omicron sa katawan ng tao.
Tinanggal na ang paggamit ng face shields sa ating bansa, subalit ugaliin pa rin ang pagsusuot ng facemasks at araw-araw na pag-inom ng bitamina, lalo na ang Vitamin C.
Higit sa lahat, kung may mga sintomas na nararamdaman, iwasan na ang paglabas-labas upang hindi magkalat ng virus, lalo na sa inyong mahal sa buhay. Maaaring mild lang ang sintomas, ngunit sa patuloy nating kawalan ng kompirmadong datos sa anumang pangmatagalang epekto ng bagong virus, wala ring kasiguraduhang magiging bahagya lang din ang epekto nito sa ibang tao, lalo na sa mga may comorbidities. Kaya ‘wag magpaka-kampante, mga pare at mars!
Ingats!
Kung kayo o kung kayo ay may kakilalang nakararanas nito, mag-email lamang sa atin sa mathayrikki@gmail.com para sa mga numerong puwede ninyong tawagan, o sumangguni sa crisis hotline numbers ng Department of Health 1553 - Luzon wide landline toll free Globe/ ™ - 0966-351-4518/ 0917-899-8727 Smart/ SUN/ TNT Subscribers - 0908-639-2672