ni Ronalyn Seminiano Reonico | July 2, 2020
Naglabas ng bagong device ang Samsung na kayang mag-sterilize at pumatay ng 99% ng bacteria sa loob ng 10 minuto katulad ng Staphylococcus, E-coli, at Candida albicans. Ito ay walang iba kundi ang ITFIT UV Sterilizer.
Ayon sa Samsung, ito ay "tested and proven by 3rd party laboratories.”
Kaya nitong linisin ang smartphone, galaxy buds, watches, sunglasses at iba pang bagay na magkakasya rito.
Magagamit din ito bilang wireless charger at ayon sa Samsung, tuluy-tuloy ang pagcha-charge nito kahit tapos na ang pag-i-sterilize sa smartphone. Mayroon din itong LED indicator, power button at USB-C para mai-charge ang sterilizer.
Sa ngayon, available na ang Samsung UV Sterilizer sa Thailand at nagkakahalagang THB 1,590. Available na rin ito sa ilang Samsung Service Centers sa Argentina, Chile, Croatia, Denmark, Finland, Japan, Republic of Korea, Malaysia, New Zealand, Norway, Pakistan, Peru, Poland, Russia, Spain, Sweden, United States, Ukraine at Vietnam.
Ayon sa SamMobile.com, “Samsung will soon expand the service to Australia, Austria, Canada, Czechia, France, Greece, Hong Kong, Hungary, India, Indonesia, Israel, Italy, Jordan, Kazakhstan, Latvia, Mexico, the Netherlands, Panama, the Philippines, Romania, Singapore, Taiwan, Thailand, the United Arab Emirates and the United Kingdom.”