ni Eli San Miguel - Trainee @News | March 8, 2024
Nagsimulang lumipat sa Friendster ang mga tao bilang alternatibo para sa social networking, matapos ang kamakailang malawakang outage ng mga Meta apps.
Tinangkilik ang Friendster bilang isang plataporma ng social networking mula noong 2000s at tumigil sa operasyon noong 2015 ngunit inanunsiyo ang pagbabalik nito sa ilalim ng bagong may-ari na Friendster Labs Inc. noong Oktubre 2023.
Nagbabala naman ang Department of Information and Communications Technology (DICT) laban sa paggamit ng plataporma dahil sa mga posibilidad ng mga phishing activities.
Gayunpaman, may mensahe ang bagong website ng Friendster na nagsasabing bumalik na ito. Mayroon ding isang kahon kung saan maaaring ilagay ang email upang maging isa sa mga unang gumamit ng website.