ni Angela Fernando - Trainee @News | March 25, 2024
Kailangang maglaan ng social media platform na Reddit (RDDT.N) ng malaking halaga para sa pagsusuri ng nilalaman ng kanilang application, ayon sa mga analyst.
Maaaring harapin ng nasabing kumpanya ang mas malalim na pag-iimbestiga na banta sa matagal nang patakaran nitong umasa sa mga netizens o volunteers upang mapanatili ang kaayusan sa kanilang plataporma.
Sa kanilang unang alokasyon ng initial public offering (IPO), binalaan ang Reddit na ang kanilang natatanging paraan ng content moderation ay maaaring magdulot sa kanila ng mga pagsubok tulad nu'ng taong 2023, nang ilang moderator ang nagprotesta laban sa kanilang desisyon na singilin ang mga developer ng third-party app para sa access sa kanilang data.
Nagpahayag naman ang CEO ng alternative investment solutions firm Accelerate Financial Technologies na si Julian Klymochko na hindi pangmatagalan ang pagdepende sa mga netizens o volunteers lalo na't sa panahon ng pagsusuri ng regulasyon na haharapin ng kumpanya sa kasalukuyan.