top of page
Search

ni Sr. Socrates Magnus II - @Karunungang Lihim| October 4, 2020



Bigyang-daan natin ang ilang impormasyon tungkol sa Full Moon ngayong Oktubre, 2020.

Ang Full Moon ngayong buwan ay naganap noong ika-2 ng Oktubre at tinatawag itong “Harvest Full Moon.”


Ang nagpangalan ng Full Moon ay ang mga sinaunang magsasaka dahil ito ay sobrang maliwanag kung saan kahit gabi ay nagagawa nilang mag-harvest dahil maliwanag na maliwanag ang paligid dahil sa buwan, at dito nakuha ang pangalan na “Harvest Full Moon.” Sa ganitong katotohanan, makikita na ang mga bagay sa kalangitan ay may epekto sa buhay ng mga tao sa lupa.


Ito rin ang nagpapawalang-bisa sa sinasabi ng ilan na ang mga bagay sa kalangitan ay walang kakayahang kontrolin ang buhay ng mga tao sa lupa.


Tuwing sasapit ang Full Moon, ang mga bunga ng halaman o punong-kahoy ay makikita “in full”, tulad ng buko, kapag binuksan ito sa Full Moon, makikita mong umaapaw ang sabaw, kaya marami kang makukuha.


Ang sabaw ng buko ay ang ginagawang “tuba”, isang matamis na likido mula sa bunga ng niyog. Gayunman, ang sabaw ng buko at tuba ay ginagawang suka o vinegar.


Kapag kakaunti ang makukuhang sabaw ng buko, maaaring tumaas ang presyo ng suka na gawa mula sa sabaw nito dahil may batas sa economics na kung tawagin ay “supply and demand” kung saan kapag kakaunti ang supply at marami ang demand, tiyak na mataas ang presyo ng nasabing produkto.


Dahil dito, makikita agad na ang buwan ay puwedeng makaapekto, hindi lang sa buhay ng bawat isa kundi pati sa ekonomiya ng bansa.


Habang papaliit ang buwan o nagaganap na ang “waning of the moon”, lumiliit din ang volume ng tubig sa mga halaman at punong-kahoy. Sa iba, isang mahiwagang kaganapan ito, pero sa mga nakaaalam ng natural Astrology, ito ay simpleng kaalaman na puwedeng pakinabangan ng sinumang interesado.


Gusto mo bang makinabang sa mga katotohanan na makukuha sa kalagayan ng buwan? Simulan mo na ngayon, kung ang mga naritong kaalaman ay iyong mapakikinabangan.


Kapag Full Moon, ang kababaihan ay mas madaling mabuntis at habang lumiliit naman ito, lumiliit din ang tsansa na magkaanak.


Kapag Full Moon, ang kababaihan ay nakagugulat dahil sila ay may biglaang paglakas ng karisma na magpahanga at parang may malakas na gayuma. Tingnan mo, baka ito ay puwede mong pakinabangan.


Tinatawag din ang buwan na “Luna”, dahil ang buwan sa wikang Latin ay Luna. Mahirap paniwalaan, pero marami ang magpapatotoo na ang mga tinatawag na “lunatic” ay nasa todong-lakas ang pagiging lunatic sa panahon ng full moon.

Good luck!

 
 

Ginagawa sa selebrasyon ng Fall Equinox para gumanda ang career

ni Sr. Socrates Magnus II - @Karunungang Lihim| September 27, 2020



Bigyang-daan natin ang ilang impormasyon na maaaring makatulong para gumanda ang ating buhay.

Noong Setyembre 22, naganap ang Fall Equinox kung kailan nagpantay ang haba ng nighttime at daytime.


Bago ito, ang nighttime ay mas mahaba kaysa sa daytime, kumbaga, ang gabi ay mas mahaba kaysa sa araw.


Noon pa man, ipinagdiriwang na ng mga sinaunang tao ang pagdating ng Fall Equinox. Sa salitang pagdiriwang, ibig sabihin ay nagsasaya sila na kakaibang pagsasaya at ito ay maihahalintulad sa fiesta.


Ang bonggang pagsasaya ay umaabot sa susunod na kabilugan ng buwan o full moon.


Ipinagdiriwang ang Fall Equinox kung saan ang nasa isip ay mawala na ang mga pangit na pangyayari na kanilang nararanasan, lumayo ang mga salot sa mundo at magkaroon ng masaganang ani.

Ito ang mga ginagawa sa selebrasyon ng Fall Equinox:


● Nagsusot ng bagong damit o kasuotan.

● Nagbibigay ng masasayang pagbati at masayang kumustahan ang mga tao. Ang masayang pagbati ay “Hi” at “Hello”, gayundin ang “Kumusta ka?”

● Pinatatawad ang mga nagawang kasalanan ng kapwa, as in, nagpapatawaran ang mga tao.

● Nagbibigay ng mga regalo.

● Ang mga may-kaya ay namimigay ng pera o mga ani tulad bigas, mais, trigo at prutas.

● Dinadalaw ang mga kaibigan, kamag-anak at malalapit sa puso na nasa malayo at sila ay may bitbit na regalo.

● Nagsasalu-salo sa labas ng bahay, hardin o bakuran.

● Nag-iinuman ang mga tao, pero hindi naglalasing.

May mga bagay naman na ginagawa para sa sariling kaligayahan:

  1. Nagbabaon ng buto sa lupa mula sa matamis na prutas para mas gumanda pa ang career.

  2. Inaalis ang mga petals ng bulaklak at ibinabaon din sa lupa para magkaroon ng kasintahan o makapag-asawa na ang mga single.

  3. Nagbabaon ng buong prutas na bilog para bumalik ang mahal sa buhay na umalis o naagaw ng iba.

  4. Nagbabaon ng kambal na buto sa lupa para magkaroon ng anak.

  5. Naghahagis ng mga dinurog na dahon ng mga halamang “evergreen” para magpatuloy ang magandang buhay na tinatamasa.

  6. Ang mga halamang evergreen at kahit anong halaman na nananatiling kulay berde ang mga dahon kahit sumapit ang tag-ulan, tag-init, tag-lamig at tagtuyot.

May ilan pang mga puwedeng gawin. Gayunman, sapat na ang mga nasa itaas para makinabang ang tao sa nagaganap ngayon.

Good luck!

 
 

ni Sr. Socrates Magnus II - @Karunungang Lihim| September 20, 2020



Bigyang-daan natin ang ilang mahahalagang kaalaman tungkol sa pagkitil ng sariling buhay o suicide.

Nakaaalarma ang bilang ng mga nagsu-suicide sa buong mundo, lalo na sa ating bansa. Ito ay kinumpirma ng mga awtoridad ng ating pamamahalaan at inaayunan ng mga opisyales ng Simbahan.


On the ground o sa mismong mga pamayanan, ang mga nagsu-suicide ay regular nang balita sa mamamayan.


Bagama’t marami nagtangkang mag-suicide, ang ilan ay tuluyang namatay. Gayundin, may ilang hindi pa aktuwal na nagtatangka, pero may namumuong ideya sa kanilang isipan na sa hirap ng sitwasyon, kamatayan lang ang solusyon.


Ang mga palatandaan na nasa isip ng isang tao ang mag-suicide ay ang mga sumusunod:

  1. Kitang-kita na buhay na buhay at masigla, pero minsan ay nasasabi niya na “I wish I hadn’t been born.” Ang tawag dito ay “slip of the tongue.” Kumbaga, parang wala siyang problemang iniinda, pero ang totoo, may dinadala siyang mabigat na suliranin.

  2. Siya ay malakas tumawa, pero ang kanyang tawa ay hindi totoo. Ibig sabihin, habang siya ay tumatawa, walang saya ang kanyang mga mata.

  3. Malakas kumain na parang hindi nabubusog at maya-maya lang, siya ay kakain nang kakain. Kumbaga, parang buntis na naglilihi sa isang klase ng bagay o pagkain ang gustong kainin.

  4. Lakad nang lakad, pero wala namang pinupuntahan kaya balik lang din nang balik.

  5. Paulit-ulit ang kuwento at ang bida ay walang iba kundi siya.

Ang mga nasa itaas ay medyo mahirap tukuyin dahil kailangan pang pag-aralan ang natural na personalidad ng tao. Gayunman, halos 100% na magsu-suicide ay ang mga sumusunod:

  • Sobrang haba ng Sloping Head Line at umabot na sa gilid ng palad.

  • Sobrang haba ng Slanting Head Line at umabot na sa bandang ibaba ng gilid ng palad.

  • Sobrang haba ng Heart Line na umabot sa gilid ng palad sa pagitan ng bahagi ng palad sa ibaba ng hintuturo at itaas ng hinlalaki.

  • Sobrang haba ng malalambot na daliri.

Mahirap hadlangan ang pagsu-suicide, pero kung makikita ang mga palatandaan, ang kailangan ay bigyang-saya at kung magagawa ito, masasabi o maihahayag niya ang lahat ng kanyang saloobin.


Kaya maganda kung maikukuwento niya ang kanyang naging buhay, kasalukuyang buhay at ang posibleng kanyang kinabukasan. Gayundin, ang kausap o pagkukuwentuhan ay dapat na nakatitig sa pagitan ng kanyang mga mata.


Kaya pang maalis ang kaisipan na suicide ang solusyon sa kanyang buhay kung pagtitiyagaan ng malapit sa kanya na magkaroon ng mahabang kuwentuhan. Kung puwede ay halos buong araw o pa-morningan ang kuwentuhan.


Mahirap paniwalaan ang nasa itaas, pero ang mga ito ay subok na at epektibo.

Good luck!

 
 
RECOMMENDED
bottom of page