top of page
Search

ni Sr. Socrates Magnus II - @Karunungang Lihim| October 25, 2020



Bigyang-daan natin ang mga unang bagay na dapat gawin para mabilis na umasenso ang negosyo.

Ngayon, okey nang magbukas ng negosyo. Ang mga negosyante ay makikitang parang nakawala sa kulungan at mag-uunahan tulad sa karera ng kabayo.


Narito ang ilang kaalaman tungkol sa muling pagbubukas ng mga place of business.


  • Dapat may sariwang hangin na makakapasok, kaya mas maganda na bukas ang bintana sa East at West o North at South. Kung walang mga bintana, mas magandang maglagay nito sa nasabing likas na daanan ng ihip ng hangin. Kung sarado naman tulad ng mga naka-aircon, inirerekomendang maglagay ng exhaust fan para mailabas ang hangin na naiipon sa loob.

  • Hinihikayat din na maglagay ng mga halaman sa loob at labas ng place of business.

  • Maganda na may fountain sa loob na may mga isdang naglalaro o naglalanguyan kung saan ang tubig ay awtomatikong nalalagyan ng oxygen.

  • Sa umaga, ang payo ay magdasal muna ang mga empleyado kasama ang may-ari kung siya ay maaga ring pumapasok.

  • Huwag kalimutang magsaboy o magkalat ng asin sa paligid.

  • Kung puwede ay magsikain nang busog, ibig sabihin, kahit simple lang ang pagkain, kailangang busog ang kumain. Kaya kung puwede rin ay huwag magtipid dahil hindi naman kailangan ang malaking halaga ng pera sa simpleng pagkain. Ang mahalaga ay busog ang kakain. Sa salitang “busog”, ibig sabihin ay hindi nabitin sa pagkain.

  • Ang paghuhugas ng mga kamay ay dapat isagawa at kailangang hugasan agad ang pinagkainan.

  • Pagkatapos kumain, mas magandang magkaroon ng panandaliang pagtulog o pag-idlip. Kung hindi magagawa, ang ipinapayo ay gawin ang tinatawag na “Paghingang Ganap ng Mga Yogi” kung saan ilalabas ng hangin sa lungs at papasukin ang bago o sariwang hangin, gagawin ito ng ilang minuto bago muling simulan ang trabaho.

  • Ang Paghingang Ganap ng Mga Yogi ay inirerekomenda rin sa mga empleyado at namamahala ng negosyo kapag napansin nila sa kanilang sarili na nababawasan ang aktibidad ng katawan, tinatamad o nananamlay.

  • Bago mag-uwian, magdasal.

Good luck!

 
 

Mga puwedeng hilingin at dapat gawin para matupad ang wish sa geminid shooting stars

ni Sr. Socrates Magnus II - @Karunungang Lihim| October 18, 2020



Bigyang-daan natin ang kahalagahan ng magaganap ngayong araw, Oktubre 18, na nasa todong-lakas ang dami ng mga bulalakaw na mas kilala sa tawag na Geminid meteor shower.

Sa mga shooting star lovers, watch out dahil ngayon ang pagkakataon na muli nating makikita ang tila pag-ulan ng mga bulalakaw sa kalangitan.


Ang salitang “Geminid” ay mula sa salitang Gemini na isa sa mga zodiac signs. Dahil dito, ang mga hiling na puwedeng bigyan ng katuparan ng mga suwerteng dala-dala ng zodiac sign na Gemini ay ang mga sumusunod:

  1. Pananalo sa mga pakikipagsapalaran kung saan mismong kapalaran ang nakataya, tulad ng games of chance, sugal, puwede rin ang lotto at iba pa.

  2. Mabilis na pagkita ng pera tulad ng pag-aahente o sa mga pinansiyal na aktibidad kung saan pinaiikot ang puhunan. Gayundin, puwedeng-puwede ang pakikipagsapalaran sa stock market.

  3. Hindi sinasadyang makapulot ng pera sa kalsada o kung nasaan ka man at puwede ring biglang naabutan ng bag na may malaking halaga ng pera.

  4. Ang mga suwerte sa love life ay isa sa kayang ipagkaloob ng Geminid shooting star sa kondisyon na ang hihiling ay dapat masaya, palakuwento, maharot, mapagbiro at mapagbigay.

  5. Kung ang hihilingin ay hindi pansarili, puwede ring magkatotoo. Halimbawa, suwertehin sa trabaho ang mahal sa buhay, makaahon sa kahirapan at magkapera ang malapit sa puso ng hihiling.

  6. Sa panahon din ng pagpapaulan ng Geminid shooting star, ang mga kahilingan na gumaling ang mga sakit o karamdaman ay bagay na bagay.

Ang rekomendasyon para makatiyak na ang mga hiling ay makakamit ay ang mga sumusunod:

  • Huwag kalimutang maglagay ng barya sa bulsa o wallet.

  • Magsuot ng damit na may kislap.

  • Kailangan din ang masayang persnalidad kung saan dapat may ngiti sa labi at mukha.

  • Inirerekomendang mamigay ng pera sa mga hindi kakilala, pero hindi naman malaking halaga, kahit magkano ay okey na.

  • Puwede ring mamigay ng pera sa mga bata, ngunit mas maganda sa mga batang masayang naglalaro.

  • Maligo sa umaga at gabi bago matulog.

  • Sa pagtulog, okey lang isuot ang damit na panlakad.


Ang pinakamahalaga ay ang pagdarasal kung saan ang unang sasabihin ay ang papuri sa iyong kikinilalang Diyos, kasunod ang pasasalamat at ang dulo ay pagsasabi ng mga kahilingan sa buhay. Siyempre, may salitang “Amen” o “Siya nawa” o “Mangyari nawa.”

Good luck!

 
 

ni Sr. Socrates Magnus II - @Karunungang Lihim| October 11, 2020



Bigyang-daan natin ang kasalukuyang nagaganap na pagpapakita ng mga bulalakaw sa kalangitan na kung tawagin ay Draconid meteor shower.

Nagsimulang magpamalas ng nakamamanghang pag-ulan ng mga bulalakaw noong ika-7 ng Oktubre at hanggang ngayon ay may nakikita pang mga bulalakaw sa kalangitan.

Ayon sa tradisyon, ang mga request sa shooting stars ay nagkakatotoo o nangyayari, kaya noon pa man at hanggang ngayon, patuloy ang paghiling ng tao sa mga bulalakaw.

Hindi namamatay ang ganitong paniniwala dahil marami ang nagpapatunay na natupad ang kanilang “wish upon the stars.”

Anu-anong mga hiling ang nagkakatotoo?

Numero-uno na ang hiling na magkaroon ng asawa o kasintahan. Ang totoo nga, pagbabantay sa kalangitan para makita ang mga bulalakaw ang unang ginawa ng mga dalaga o binata na gusto nang magkaroon ng love life.

Dahil marami sa kanila ang natupad ang hiling, nagsimulang dumami ang mga nagwi-wish sa mga bulalakaw.

Pumapangalawa, pero halos ganundin karami ang bilang ng nagwi-wish na suwertehin. Ang nasa isip ay suwertehin sa aspetong pampinansiyal at dahil din may mga nagpapatunay na sila ay sinuwerte, halimbawa, nanalo sa sugal, dumami nang dumami ang humihiling nito.

Dahil nagkakatotoo ang paghiling sa mga bulalakaw, ang mga hindi magkaanak ay nag-wish din at marami sa kanila ang nabiyayaan ng mga anak.

Kaya bakit hindi mo subukan mag-wish upon the star?

Gusto mo ba ng bagong gadget tulad ng cellphone, laptop o netbook? Try mong humiling sa mga bulalakaw.

Gusto mo ba ng bagong kotse? Why not try the shooting star magic?

Wala ka bang trabaho? Baka matulungan ka ng mga bulalakaw.

Auman ang gusto mo, puwede itong hilingin sa mga bulalakaw.

Papatapos na ang Draconid meteor shower, pero huwag kang mawalan ng pag-asa dahil sa darating na Oktubre 20 at mga susunod na araw, magaganap naman ang Orionids meteor shower.

At kung mawala sa isip mo ang Orionids meteor shower sa Oktubre 20, may pag-asa ka pa dahil sa ika-29 ng buwan, magaganap naman ang Southern Taurids meteor shower.

Masayang mabuhay at mas magiging masaya ka kapag humiling ka sa mga bituin.

Good luck!

 
 
RECOMMENDED
bottom of page