ni Dr. Shane Ludovice - @Sabi ni Dok | October 30, 2020
Dear Doc. Shane,
Madalas magkaroon ng sipon at trangkaso ang aking mga anak dahil sadyang mahina ang kanilang resistensiya. Ano kaya ang maaari kong gawin? – Virgie
Sagot
Ang sipon at trankaso ay humahawa sa itaas na bahagi ng respiratory tract. Kabilang ang bibig, ilong, pasilyo ng ilong at lalamunan.
Ano ang sipon?
Ang mga sintomas ay kinabibilangan ng runny nose, pag-ubo, pagbahing at pamamaga ng lalamunan. Ang mga sintomas nito ay mas banayad kaysa sa mga sintomas ng trangkaso. Ang mga sintomas nito ay hindi agad nakikita. Ang mga batang may sipon ay magagawa pa rin ang karamihan sa kanilang karaniwang aktibidad.
Ano ang trangkaso?
Ang influenza ay impeksiyon sa respiratory. Ang mga sintomas ay lagnat, pananakit ng ulo, pagkapagod, pag-ubo, pamamaga ng lalamunan, runny nose, pananakit ng kalamnan, pananakit ng tiyan at pasusuka. Ang mga sintomas ng trangkaso ay mabilis na nakikita.
Paaano kumakalat ang sipon at trangkaso?
Ang mga virus na nagsasanhi ng sipon at trangkaso ay kumakalat sa anyong droplet kapag ang taong may sakit ay umubo o bumahing. Direktang nalalanghap ng mga bata ang mikrobyo. Subalit maaari rin nilang makuha ang virus sa pamamagitan ng paghawak sa dako kung saan lumapag ang mga droplet. Ang mikrobyo ngayon ay papasok sa katawan ng bata kapag hinawakan niya ng kanyang mata, ilong o bibig.
Bakit nagkakaroon ng sipon at trangkaso ang mga bata?
Mas mahina ang resistensya
Panahon ng taglamig
Madalas na paghawak ng kamay sa bibig
Lunas:
Karamihan sa mga bata ay kusang gumagaling mula sa sipon at trangkaso. Ang mga antibiotic ay hindi epektibo laban sa mga viral na impeksiyon, kung kaya hindi ito inirereseta. Sa halip, ang paggamot ay nakatuon sa pagbabawas ng mga sintomashanggang sa lumipas ang karamdaman. Upang tulungan ang iyong anak na bumuti ang pakiramdam:
Bigyan ang iyong anak ng maraming fluid, tulad ng tubig, electrolyte solution, apple juice at mainit-init na sabaw upang maiwasan ang dehydration.
Tiyakin na ang bata ay matagal na makapagpahinga.
Pamumugin ng mainit-init na tubig-asin.
Upang paginhawain ang pagkabara sa ilong, subukan ang saline nasal spray.
Tandaan: huwag bigyan ng OTC na medikasyon para sa ubo at sipon ang batang edad 6 maliban kung sabihin ito ng doktor.
Huwag kailanman bigyan ng aspirin ang edad 18 pababa na may sipon at trangkaso. (Ito ay maaaring magsanhi ng bihira, subalit malubhang kondisyong tinatawag na Reye’s syndrome.)
Panatilihin sa bahay ang iyong anak hanggang sa siya ay wala ng lagnat ng 24 na oras.
Upang mapanatiling malusog ang mga bata:
Turuan ang mga bata ng madalas na maghugas ng mga kamay—bago kumain at pagkatapos gumamit ng kubeta, makipaglaro sa mga hayop o pag-ubo o pagbahing.
Gumamit ng alcohol para sa mga pagkakataon na walang magamit na sabon at tubig.
Paalalahanan ang mga bata na huwag hawakan ang kanilang ilong, bibig at mga mata.