ni Dr. Shane Ludovice - @Sabi ni Dok | December 29, 2020
Dear Doc. Shane,
Halos isang dekada na kaming kasal ng aking mister at problema ko talaga ang kanyang paghilik na panira sa aking tulog. Siya ay 47 years old pa lamang, may katabaan at naninigarilyo at umiinom din ng alak pero minsan o kapag may okasyon lang. Ano ba ang dapat kong gawin para mawala o mabawasan man lang ang paghihilik nito?— Beth
Sagot
Talagang marami ang namumroblema kapag naghihilik ang katabi sa pagtulog.
Maaaring makatulong ang mga sumusunod upang mabawasan ang paghihilik:
Matulog nang nakatagilid
Iwasan ang paggamit ng makapal na unan dahil nababaluktot nito ang leeg kaya nahaharangan ang daanan ng hangin na nagiging dahilan nang paghihilik.
Iwasan ang uminom ng alcohol kapag matutulog na. Pinare-relax nito ang muscles ng lalamunan kaya lumalakas ang paghihilik.
Magbawas ng timbang dahil ang ekstrang bigat, lalo na sa bahagi ng leeg ay nagbibigay ng pressure sa lalamunan at pinakikitid ang daanan ng hangin.