ni Dr. Shane Ludovice - @Sabi ni Dok | January 2, 2021
Dear Doc. Shane,
Namamaga ang gilagid ko pati na rin ang pisngi sa bandang kaliwa marahil sa ngipin ko na sumasakit. Ano ang dapat kong gawin o inumin? – Gina
Sagot
Ang namamagang gilagid o stomatitis ay ang pamamaga ng mga malalambot na tisyu sa loob ng ating bibig. Ang magandang panlunas ay yelo na ibinalot sa tela, at ilagay ang yelo sa namamagang pisngi upang mabawasan ang pamamaga nito at mainam din ang pagmumog ng maligamgam na tubig na may asin. Maaari ring magmumog ng anumang mouthwash na kilala sa pagpatay ng mga mikrobyong namuo sa loob ng bibig.
Kung kumikirot pa rin, maaring uminom ng ibuprofen na nakakatulong maibsan ang pananakit ng ngipin.
Makatutulong ang mga sumusunod:
Magmumog ng tubig na may asin, tatlong beses maghapon bago kumain
Masahihin ng malilinis na daliri ang gilagid pagkatapos magmumog
Magsepilyo ng ngipin pagkatapos kumain. Gumamit ng sepilyo na may malambot bristles
Uminom ng apat na basong katas ng prutas sa buong maghapon
Patingnan sa dentista ang namamagang gilagid