ni Dr. Shane Ludovice - @Sabi ni Dok | April 09, 2021
Dear Doc. Shane,
Marami sa aming lugar sa probinsiya ang madalas magpausok ng natutuyong dahon kapag hapon o umaga. Kapag nakasisinghot ako nito ay sinusumpong ako ng hika. Ano ba ang dapat kong gawin? – Minda
Sagot
Narito ang ilang bagay na puwedeng gawin ng mga tao para protektahan ang kanilang sarili:
Kung nakakaamoy na ng usok, bawasan agad ang mga aktibidad sa labas. Lalong mahalaga ito kung may mga problema sa kalusugan (halimbawa, taong may sakit sa puso o sakit sa paghinga tulad ng hika), kung matanda, buntis o may inaalagaang bata.
Kumunsulta sa doktor kung nakararanasan ng mga sumusunod na sintomas:
Paulit-ulit na pag-ubo
Kinakapos ang hininga o nahihirapang huminga
Humuhuning paghinga
Paninikip ng dibdib
Mabilis na pagtibok ng puso
Pagduduwal o hindi karaniwang pagkapagod
Pagkahilo
Sundin ang mga pag-iingat para protektahan ang kalusugan:
Bawasan ang mga aktibidad sa labas
Hangga’t maaari ay manatili sa loob nang nakasara ang mga bintana at pinto
Huwag magbubukas ng bentilador na nagdadala sa loob ng usok mula sa labas
Paandarin lamang ang air-conditioner kung hindi ito nagdadala sa loob ng usok mula sa labas
Pag-isipang umalis sa lugar hanggang mabawasan ang usok kung nakararanas ng mga sintomas na dulot ng pagkakalantad sa usok