ni Ronalyn Seminiano Reonico | August 22, 2021
Umabot sa mahigit 4.6 million indibidwal sa National Capital Region (NCR) ang nakatanggap ng financial aid nang isailalim ang rehiyon sa enhanced community quarantine (ECQ), ayon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Ayon kay DSWD Assistant Secretary Glenda Relova sa isang panayam, noong August 19 ay umabot na sa 4,643,201 beneficiaries ang nakatanggap ng cash aid sa NCR.
Samantala, isinailalim ang Metro Manila sa ECQ noong Agosto 6 hanggang 20 dahil sa banta ng COVID-19 Delta variant at niluwagan sa modified ECQ ang quarantine classification hanggang sa katapusan ng buwan.