SIGAW NG NETIZENS: CONCERT NI REGINE, KAHIT LIBRE PA, WALANG MANONOOD!
ni Rohn Romulo - @Run Wild | January 24, 2021
May pakiusap si Asia’s Songbird Regine Velasquez-Alcasid na 'wag namang ikalat ang nag-leak na materials para sa kanyang first digital Valentine’s concert na Freedom.
Sa tweet ni Regine last January 22, sobra talaga siyang nag-aalala.
“Hi, guys, pakiusap lang, may nag-leak na materials from the concert. Please pa-delete naman.
“Please, 'wag n'yo na i-repost.”
Sold-out na ang VIP tickets na worth P2,500 kaya nagdagdag pa ng additional 100 slots dahil marami pang gustong mag-avail na bukod sa concert ay makasama sa Zoom after party, virtual meet and greet, behind the scene at ang request portion with Regine.
Para naman sa concert lang ang gusto, P1,200 ang ticket nito at streaming worldwide, kaya mas marami ang makakapanood.
Samantala, marami pa rin ang nega kaya may nag-comment sa fashionpulis.com sa post na ito ni Asia’s Songbird, pero may nagtanggol din naman.
“Wow, pampaingay. As if may interested pa, lol!"
“Ang bitter mo naman. Stop being so nega."
“Same old biritan na naman 'to siguro."
“Kapagod sa tenga. Sakit sa ulo. Puro sigaw."
“Filipinos... Masyadong nasanay sa free."
“Kahit libre pa 'yan, wala nang interesado."
“What concert? R2K? Chareng.
“Takot siyang lugi concert n'ya… Nakikiusap si Madam..lol."
“Siyempre naman, patok, kasi siya ang Asia's Songbird. Sikat siya sa buong Asia, sobrang expensive kasi ng ticket ng concert ni Regine, eh, may pandemic, kaya 'yung others, nag-pirate siguro."
“Bakit, kilala ba siya sa India, Myanmar, Thailand Korea, Japan etc.?"
“'Di na maibabalik ang dati."
“'Yung mga nega comments dito, for sure, mga 'di pa 'yan nakanood ng live concert ni Regine and wala ring pambili ng ticket for the upcoming one, hahaha! Ugali ng mga Pinoy 'yan, eh..."
“Kahit i-pirate, walang manonood, busy ang mga tao.”
Samantala, mapapanood na ang ASAP Natin ‘To sa TV5 kapalit ng timeslot na Sunday Noontime Live.
So, bukod sa A2Z Channel 11 at Kapamilya Channels, marami nang choices ang manonood kung alin ang mas maganda at malakas ang TV reception.